42nd

83 3 0
                                    


42

Leslie

"Kung ano sa'yo, 'yon na din sa'kin" sagot ko sa tanong ni Vincent.

Kaming dalawa lang ang magkasama ngayon na kakain.

"Half rice lang sa'kin, sa'yo?" tanong niya.

Kung makapag half rice akala mo model ng isang magazine, "Isang cup. Kulang sa'kin half rice"

"Dalawahin ko na kaya?"

"Baliw"

Hinintay ko lang siya sa gilid na makuha 'yung order, sabay na kaming maghahanap ng upuan. May naramdaman akong umakbay sa'kin, "Bakit?" tanong ko kay Paul.

"Pre, distansya o ambulansya?" tanong niya kay Vincent.

Walang sinagot si Vincent, nagbabayad kasi siya. "Seloso 'yung manliligaw nito. Kaya kung ako sa'yo lalayo ako ng kaunti" sabi niya pa kay Vincent.

Nilapitan siya ni Vincent, tinanggal 'yung kamay ni Paul na naka akbay sa'kin. "Seloso pala, e. Huwag mong akbayan, basag mukha mo mamaya"

Hindi na ibinalik pa ni Paul ang kamay niya sa balikat ko, nagdiretso na ulit si Vincent doon sa counter para kunin ang order namin. "Bakit wala kang kasama?" kinausap ko si Paul.

"Magkakasama sila sa library, nag-aaral"

"Sinong sila?"

"Sina Marie at 'yung mga kaibigan mo. Kasama si Gio"

Hindi ko pa ulit nakikita si Gio simula no'ng lumabas kaming dalawa at napakain ko siya ng mga binibili sa turo-turo. Nagustuhan niya 'yon kaya uulitin niya ngayon.

Kung nag-aaral naman pala sila wala sa'kin kung maghapon pa na magkasama sina Marie at Gio.

"Ah. Bakit ikaw nandito?"

"Break. Gutom na ako. Ang sakit sa ulo ng pinag-aaralan nila"

Wala pa akong sinasabi ulit umalis na si Paul. Kaya nang dumating si Vincent wala na siyang Paul na aasarin.
Kumain kami ng tahimik ni Vincent, siya 'yung Vincent na kilala ko. Ayaw sa maingay kahit madaldal ang kasama niya ngayon.

-
Giobels:
Punta ako dyan. Huwag kang aalis.
-

Nagtext si Gio. Katatapos ko palang basahin 'yung message niya nakita ko na siyang naglalakad papunta sa pwesto namin ni Vincent. "Alis na ako. Buti binasa niya 'yung text ko" sabi niya sa'kin.

Naintindihan ko na ngayon kung bakit nagpunta si Gio dito kahit wala akong sinasabi sakanya.

Nakita ko na si Gio na papunta dito sa kinakainan ko. Bago siya nagpunta sa pwesto ko dumaan muna siya doon sa counter, may binili, nang makalapit na siya sa'kin tsaka ko lang nakita kung ano 'yung binili niya. Dalawang piraso ng chocolate drink – Chuckie.

Iniinom niya 'yung tapos inabot niya sa'kin 'yung pangalawa. "Iyo na" sabi ko. Mukhang kulang pa sakanya 'yung iniinom niya.

Tinabihan niya ako. "Bakit ngayon ka lang kumakain?" tanong niya sa'kin.

"Kasi hindi ako kumain kanina"
Alam kong wala sa tamang katinuan 'yung sagot ko. Tiningnan niya lang ako saglit. Tapos sinimulan na niyang inumin 'yung pangalawa. Sabi na e, kulang pa sakanya 'yon.

"Bakit ganyan 'yung ininom mo?"

Ngayon ko lang siya nakitang uminom ng ganyan. Madalas tubig lang ang iniinom niya, mineral water.

"Nagustuhan ko lang"

"Para kang bata" sabi ko. "Saan mo nakuha 'yang pag-inom ng Chuckie?"

"Kay Marie. Mahilig siya dito"

Mr. Know it All [EDITING]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu