10th

81 6 12
                                    

10

Parang nakipaglaro ng taguan kina Diwata habang nasa supermarket kami ni Jewel. Iniwasan ko talaga na makita na naman nila kami kahit na sabi ni Jewel nakita na nila kami no'ng una palang,inantay pa nga namin na mawala sila sa paligid bago umalis sa supermarket.

Sa dami naman kasi ng pwede nilang puntahan bakit sa mall na 'yon pa? Grabe kung makapanlibre si Dyosa, kapag talaga may kasama silang lalaki lahat ng mamahalin na pagkain ang bibilhin nila. Kaloka, kapag naman kami ni Angel ang kasama hanggang street foods lang ang naililibre sa 'min.

Wala kaming pasok ngayon kaya tanghali na rin ako nagising. Sakto naman na pag gising ko wala na si Kuya sa bahay. Si Kitt naman nasa school na siguro.

Tahimik na kasi sa buong bahay, hindi ko na rin naabutan sina mama at papa.

Naghahanap ako ng kasama, alam ko nandito pa si Jewel. Well, dapat masanay na ako sakanya na palagi ko syang makikita dito sa bahay pag gising ko palang. Ngayon, nakikiramdam ako kung may kasama ba ako dito o wala.

Ang tahimik kasi ng paligid. Ako nalang talaga ang naiwan na tulog.

Pumunta ako sa kusina para kumain, balak ko na rin kasing mag linis ng kwarto kapag natapos ako sa pagkain. Kailangan ko nang mag delete ng mga memories ni Harvey, nasayang lang ang pera ko sa mga pag papaprint ng pictures ng batang ama na 'yon. Ibibigay ko nalang sa mga daga ang picture nya. Mapagtityagaan pa nila siguro ang lahat ng 'yon.

"Oy" tawag ko sakanya.

Nandito pala si Jewel the cook. Nagluluto sya ngayon, naka apron na pink pa talaga. Apron ni mama ang ginagamit nya.

"Magandang tanghali po mahal na prinsesa"

"Baliw. Anong kalokohan ang ginagawa mo?"

Nagpapanggap lang yata sya na marunong magluto. O sadyang marunong na talaga syang magluto, pwede na syang chef.

"Hindi kalokohan 'to, tinatawag ko 'tong pag papaimpress 101. Baka kasi madiscover akong chef sa barko, Alam mo na"

"Pa impress? Ayos ka lang, bro? Hanap ka ng audience, huwag ako. Hindi ako mai-impress sa ginagawa mo"

Sumimangot naman sya sa sinabi ko. "Sus. Hindi nga marunong magluto kuya mo dapat matuwa ka pa sa ginagawa ko. Inutusan ako ni mamsi"

Napataas ang kanang kilay ko sa sinabi nya, ngayon ko lang din na diskubre na kaya ko palang gawin 'yon.

"Sino naman si mamsi, sugar mommy mo?"

"Oy hindi ah. Mama mo 'yon, iniba ko lang tawag sakanya. Ayaw mo yatang tinatawag ko rin sya ng mama, e"

Ang arte nya, may mamsi pa syang nalalaman. Kapag tinawag nya si mama ng gano'n parang sya tuloy ang biological na anak. Kaloka!

"Arte mo, ano ba 'yang niluluto mo?"

"Pang tanghalian natin, hindi ka na kasi pwede ng fried rice. Alos dose pasado na kaya"

"Anong tawag sa ulam na niluluto mo?"

Nangangamoy mabago yung niluluto nya, parang luto lang rin ni mama kapag naaamoy ko. Ang pinagkaiba nga lang nila yung luto ni Jewel hindi ko ma picture sa utak ko kung anong klaseng putahe ba 'yon. Parang karne lang lahat na may sauce na basta. Kahit sa plating babagsak siguro 'to kung ako lang rin naman ang judge.

"Adobo 'yan. Mukhang ano ba sa tingin mo?

Ako pa talaga ang tinanong nya ah. Alam ko naman ang itsura ng adobo, pinaka paborito kong ulam 'yon e. tapos ngayon, yung luto nya hindi talaga nagmukhang adobo sa paningin ko.

Mr. Know it All [EDITING]Where stories live. Discover now