31st

94 3 0
                                    

31

"They say a few drinks will help me to forget her but after one too many I know that I'll never"

Kung inaakala niyo na may kinakausap akong Amerikano at naglalabas siya ng mga hinaing ngayon sa'kin dahil sa broken hearted siya, pwes! Nagkakamali kayo.

Si Jewel lang 'yan na kumakanta habang naglalakad kami papunta sa simbahan. Ang dami kasing nagsisimba ngayong araw kaya sa labas na siya nakapag park. Puno na ng mga sasakyan ang parking sa loob.

Kasama namin si Kuya Kenn sa pagsisimba, nakakapagtaka na wala siyang pupuntahan ngayong araw kahit mamayang gabi o madaling araw. Wala talaga siyang date o kahit ano man. Kasabay namin siya sa paglalakad pero parang dalawa lang rin kami ni Jewel dito, ang tahimik niya kasi.

"Hindi ka na nagsawa sa pagkanta" komento ko sa pagkanta niya.

"Magaganda kasi kanta ng The Script, nasasabayan ko kahit mali ang lyrics ko"

Napailing nalang ako sa sinagot niya. Minsan hindi ako dapat magtiwala sa mga lyrics na kinakanta niya. Sariling version niya pala ang iba rito.

"Favorite mo ang The Script?"

"Hindi"

"Si Carly Rae Jepsen?"

"Hindi rin"

Ang gulo niya. Palagi siyang kumakanta ng mga kanta ni Carly kapag nasa bahay tapos ayaw niya dito. Sa The Script naman madalas din siyang kumanta ng Glowing. Isa sa mga gusto kong kanta ng The Script.

"Sabi mo dati gusto mo si Carly"

"Si Leslie Benitez ang gusto ko"

Hudyat na naman ng pagtahimik ko.

Ayaw kong sinasabi niya na may gusto siya sa'kin. Siguro dapat bawasan ko ang paglabas kasama si Jewel. Sakanya nagkakaroon ng malisya ang paglabas naming dalawa, sa'kin naman ordinaryong pag gala lang ng magkaibigan. Kaloka 'to.

"Kilala ko kung sinong gusto si Carly" sinabi niya para mabasag ang katahimikan.

"Sino naman?"

"Ako" proud niyang sagot "Kagabi kasi sabi niya sa'kin 'I really really really really like you' type pala ako ni Carly"

Ngumiti nalang ako ng pilit. "Nababaliw ka na naman"

"At least ako masaya, 'yung isang bata diyan durog na rin ang puso" pagpaparinig niya kay kuya.

Sinubukan kong tingnan kung anong magiging reaksyon ni kuya sa sinabi ni Jewel pero bigla nalang siyang humiwalay sa'ming dalawa.

"Ano ba talagang problema niya?"

"Yan rin ang tinatanong ko sakanya"

"Anong sabi sa'yo?"

Nagkibit balikat siya bilang sagot. "May hindi kayo sinasabi sa'kin, 'no?"

"Medyo lang"

May dapat ba talaga akong malaman?

~

Ang daming nagbebenta ng kung anu-ano sa labas ng simbahan, mas marami akong nakikita na puso na naman. Sa buong paligid maraming kulay pula, may mga bulaklak rin na may kasamang malilit na teddy bear. Bakit ba ganyan kapag araw ng mga puso?

Palagi nalang kulay pulang pusa, pulang rosas, pulang lobo ng hugis puso. Wala bang kulay violet?

"Para sa mga nagmamahal, mura lang po" nakarinig ako ng sumigaw. Si manong na nagbebenta ng pulang rosas, per piraso na may ribbon na pula rin.

Mr. Know it All [EDITING]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें