Special Chapter 2

71 5 5
                                    




Leslie

"Mas ayos na 'yung ngayon kasi hindi niya ako minumura. Aray, aray! Les, kaunting ingat naman. Dumudugo na 'yung braso ko" kanina pa nag rereklamo si Gio sa'kin. Kasalukuyan akong nandito sa loob ng delivery room at nahihirapan sa panganganak. Leche, walang nagsabi sa'kin na dalawa ang ipapanganak ko ngayon.

"Sobrang masakit na talaga, Les. Huwag mo naman akong kurutin ngayon"

Kanina lang namin nalaman na kambal ang dinadala ko. Hindi naman kasi kami nagtanong ni Gio tungkol sa gender ng bata. Gusto niya kasing masorpresa, ayan nasorpresa nga talaga kami. Kahit isa sa dalawang bata wala pang lumalabas.

"Peste naman kasi, Gio. Kung alam ko lang na dalawa 'to. Ikaw nalang sana ang nabuntis, leche ka talaga. Walangya!"

Nahihirapan na talaga ako. Sobrang sakit na ng tyan ko tapos 'yung mga braso ko pa, leche talaga. Hindi naman ito 'yung unang beses na manganganak ako. Yung boses ko rin, kanina pa ako ire ng ire ayaw naman lumabas ng mga bata, "Gio, last na talaga 'to. Sa susunod na gusto mo pa ng anak ikaw nalang manganak, humanap ka nalang ng ibang babae"

Tinatawanan kami ni doktora. "Easy, misis. Madali nalang 'to. Kaunti nalang. You can do it this time"

"Les, yung mga braso ko. Namumula na naman, please you can do it this time. I know you can"

Mas hinigpitan ko pa ang kapit kay Gio. "Again? Ayos ka lang ba? Ikaw kaya dito" halos maiyak na ako sa ginagawa ko. Pawisan na rin ako. Parang nasa mainit na lugar ako.

Si Angel nandito rin, sana nanganak na siya. Kasi unang beses niyang manganganak, ako ang nahihirapan para sakanya, "Unfair naman, si Ralph hindi nasasaktan ng ganito. Aray, don't be too mean. Wala akong sinasabing masama"

"One last push, Mrs. Manansala and the wait is over"

Talaga lang ah. Yung unang bata palang ang lalabas. May isa pa. jusko. Suko na talaga ako.

"Nasasaktan na rin 'yung mister mo. Just stay calm, kaya mo 'yan"

Jusko, stay calm. Ilang beses na ba siyang nanganak at nasasabihan niya ako ng stay calm? May nanganganak ba na hindi nahihirapan?

~

Nawalan ako ng malay kanina. Ngayon naman nahihirapan akong maupo. Gusto ko nang makita 'yung mga mata. Naririnig ko na rin 'yung ingay ng mga tao na nandito. Kahit si Alexis naririnig ko na may nilalarong baby. Tinatawang niya na baby 'yung kalaro niya.

"Mommy's awake! Mommy's awake, dad! Look here" ilang sandali pa hinihigit na niya si Gio papunta sa gilid ng kama. Bakit ba palaging kulay puti ang ospital? Pwede bang violet naman para maganda sa paningin?

Pinakita agad sa'kin ni Gio 'yung mga braso niya na may band aids. Ang dami niyang sugat, "Napaano ka?"

"Kinurot, kinalmot at pinisil mo lang naman sila kanina habang nanganganak ka tapos tinulugan mo ako pagkatapos" lumapit siya sa'kin, hinawakan niya 'yung buhok ko, "Ayos ka lang ba? May masakit pa ba sa'yo?" nag-aalala niyang tanong.

"Yung baby? Nasaan na?"

"Babies. Mommy they are twins. They look like me" tinuturo pa ni Alexis 'yung sarili niya. Nakasampa siya sa kama at hinahawakan ang kamay ko, "Mom, are you okay?" tanong ni Alexis sa'kin pero bago pa siya makalapit sa tabihan ko binuhat na siya ni Gio pababa ng kama, "Go home with tita, you need to sleep. It's late"

"But dad"

"Alex, you can see mom tomorrow"

Tiningnan ako ni Alexis saglit, "Okay. Bye mom, I need to hug my brothers"

Mr. Know it All [EDITING]Where stories live. Discover now