34th

123 3 3
                                    

A/N: Huwag na kayong umasa na mahaba ang kabanata na ito. Iyon lang po, makikiraan. HAHAHAHA ❤💙 Salamat sa pagbasa. 

34

MONICA


Hindi ko alam kung anong pinakain sa'kin ni Gelo para samahan ko siyang kumain dito sa labas kahit Sabado naman. Wala kasi siya sakanila kaya heto ako dakilang best friend niya na sasamahan siya sa oras ng pag-iisa.
Gusto niyang maging alone madalas pero kapag kakain naman ayaw ng walang kasabay. "Kung kami pa ni Kenn hindi mo 'ko mapapapunta dito"

"Alam ko. Kaya nga nandito ka, hindi na kasi kayo"

"Bwiset ka, Gelo. Pakyu!"

Minsan ko lang siyang murahin pero wala na akong pakialam ngayon kahit ilang beses sa loob ng isang araw akong magmura. Wala naman rin sasaway sa'kin.

Gusto na ayaw ko siyang makita. Gusto ko siyang makausap, gusto kong mag-sorry siya sa'kin. Gusto kong magpaliwanag siya pero lahat ng gusto ko na iyan nababago kapag naaalala ko 'yung mga sinabi niya sa'kin dati bago niya ako iwan.

Ayaw niya sa'kin kasi ang immature ko. Ayaw niya sa'kin kasi hindi naman niya daw ako minahal, hindi niya ako mahal. Bwiset! Ganun lang kadali sakanyang sabihin ang mga bagay na iyon, sana man lang inintindi niya 'yung mararamdaman ko. Umaasa ako na sa loob ng isang taon na iyon totoo lahat ng pinapakita niya sa'kin, umasa lang talaga ako. Una sa lahat hindi dapat ako nagtiwala kaagad, akala ko tunay na pag-ibig na. hindi pa pala, bata pa nga siguro ako para sa pag-ibig. Tamang pag-ibig sa maling tao? O tamang tao na may maling pag-ibig. Ewan! "Huwag ka sa'kin magalit. Hindi ako 'yung shit mong ex na iniwan ka"

"Shit pala, itetext ko si Leslie"

"Go. Shit naman talaga siya. He's fake"

Napailing nalang ako sa mga sinabi niya. Kapatid ni Leslie 'yung sinasabihan niya ng'shit' ng 'fake'. Hindi nila gusto at isa't isa pero sana naman nagpanggap siyang okay lang sakanya si Kenn. "Gelo, if I were you hindi na ako manliligaw kay Leslie, sa kuya niya palang bagsak ka na. Hindi ka papasa dun"

"Kung may liligawan ako, babae. Hindi lalaki"

"Kahit na. Ganun kaya 'yon, nililigawan lahat pati mga kaibigan. Wait, hindi mo alam?"

Sa itsura ng mukha niya ngayon lang yata niya nalaman na ganun ang panliligaw. Tsk. Tsk. "Iyan kasi, huwag mong igaya ang Cali sa Pinas. Makaluma ang paraan ng panliligaw dito sa'tin. Dun kasi sa states halikan mo lang 'yung babae kayo na. Hay nako, Gelo. Mag adjust ka"

Ilang beses ko nang pinapaalala sakanya na iba ang nasa states sa nasa Pilipinas. Kung doon napaka-liberated nila, sa Pinas uso ang dalagang Pilipina. Kung sa states 13 palang may girlfriend sa Pinas hindi ganun, naglalaro palang sa kalye ang 13 taon dito.

"I'm trying. Nasanay na rin ako dito"

"Ah talaga? Nasanay ka na?"  nakikipagtitigan lang ako sakanya. Gusto ko siyang asarin, ayaw niya kasing tinitingnan siya. Makakasapak daw siya ng lalaking tititig sakanya. "Yeah"

"Really?"

"Ano bang gusto mong iparating?"

Iyan, senyales na naiinis siya sa'kin. "Wala naman"

"Then quit staring"

Tsk. Bwiset rin ang lalaking 'to, sino ba talaga sa'min ni Charmaine ang best friend niya? Kay Charmaine naikwento niya na 'yung 'kiss' na hindi niya daw sinasadya. Tapos sa'kin, tatlong araw na akong naghihintay ng kwento mula sakanya pero hanggang ngayon wala pa rin siyang sinasabi sa'kin.

Tumigil siya sa pagkain. "Uuwi na ako" nainis na talaga siya sa'kin.

"Hoy, Gelo. Pinapaalala ko lang sa'yo na may number pa ako ni Kenn, pwede ko siyang itext ngayon 'bout dun sa ginawa mo sa nag-iisang babaeng kapatid niya. Text ko na ba?" kakukuha ko palang sa phone ko nahablot na niya kaagad sa'kin.

Mr. Know it All [EDITING]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें