28th

84 5 0
                                    

Dear Someone,

I wonder what goes through your mind when someone mentions my name to you.

I like you but I don't want to.

I think I'm falling for you but I'm afraid to. 

------------------------------

LESLIE

Kung hindi ko lang kapatid si Kitt hindi ako mapipilitan na sumama sakanya sa lecheng court na 'to. Maglalaro lang naman siya ng basketball na akala mo naman marunong syang mag dribble ng bola. Gagaya pa sa'kin na hanggang cross over lang ang kaya sa basketball.

Kasama pa namin si Jewel, sa lahat ng pwede nyang isama dito si Jewel pa talaga. Hindi daw kasi sya tuturuan ni kuya Kenn kung isasama namin sya dito dahil magtetext lang nang magtetext 'yon kay Aica.

Simula nang malaman at makilala ko ang girlfriend ni kuya halos wala na syang tinago sa'kin. Harap harapan pa kung makipag-usap kay kuya. Duh, hindi ko naman kinukulit si Aica, pareho lang naman kami ng ugali.

"Ang init naman dito e" reklamo ko. Sa gitna ng katirikan ng araw naglalaro si Kitt.

Sya lang mag-isa, nag sho-shooting sya kahit wala pa akong nakikitang pumapasok na bola sa ring. Sa liit ba naman ng kapatid ko kahit tumalon pa sya baka wala pa rin syang maipasok sa ring na bola.

"Si Kitt lang naman ang naiinitan, hindi tayo"

"Dapat nga nando'n ka, tuturuan mo sya 'di ba?"

Nandito sya sa tabi ko, e hindi naman ako ang nagpapaturo ng basketball. Dinadaldal nya lang ako, bumabalik na naman kami sa dati. Nawawala na ang ilang ko sakanya. Sya rin naman ang gumagawa ng paraan para hindi ko sya iwasan.

"Oo nga"

"Oh, bakit ka nandito?"

"Tinuturuan ko syang maging independent. Gano'n dapat"

Independent his face, leche. Wala syang pakialam sa kapatid ko na nahihirapan do'n e.

Tumayo na ako para lapitan si Kitt. "Oy, saan ka pupunta?"

"Baka lilipad. Bahala ka dyan"

"Saglit, mainit ah! Dito ka lang"

Pinigilan nya akong umalis. "Sa'kin naawa ka, doon sa kapatid ko hindi?" inis kong sabi sakanya.

Huwag nyang sinasabayan ang utak ko, masakit sa damdamin ang exam namin nitong linggo lang, sa Lunes pa namin malalaman ang resulta ng lahat. Nakakaiyak ang accounting. Sobrang nakakaiyak, 120 items baka wala pa sa kalhati ang makuha ko.

"Easy, sinasabayan mo init ng araw. Tuturuan ko naman, ito na nga oh, pupuntahan ko na"

"Yan, dapat lang"

"Teka, saan ka pupunta?" inunahan ko na kasi syang maglakad papunta kay Kitt. Tutulong din ako, PE ko ang basketball baka may mapulot ako kay Jewel.

"Makikipaglaro din, turuan mo rin ako."

"Seryoso ka?" halos matawa tawa pa sya sa tanong nya.

"Mukha ba 'tong nagbibiro?" tinuro ko pa ang mukha ko na naka serious mode talaga.

Tinawanan nya ako. "Hanep! Maglalaro ka talaga?"

"Jewel, ako ba binibiro mo talaga o iniinis lang? PE ko nga 'yon e. Tulungan mo naman akong ipasa 'yon" nagbago na ang ihip ng hangin, kailangan kong maging mabait sakanya ngayon kahit ayaw ko pa.

"Payakap muna"

"Leche! Umayos ka. Lagot ka kay kuya"

"Na-leche pa, hindi na"

Mr. Know it All [EDITING]Where stories live. Discover now