Chapter 1

25K 293 31
                                    

Tumingala ako sa langit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tumingala ako sa langit.

Unti-unting bumagsak ang mga patak ng ulan sa aking pisngi. Sige, lakasan mo pa nang hindi nila makita ang nagbabadyang luha ko. Bakit kailangang sa akin pa mangyari ito?

Niyakap ko ang aking sarili at kulang na lang, humandusay ako sa daan.

"Hoy, Rae Anne! Huwag ka ngang magpaulan!" Hinila ng aking amasonang best friend ang braso ko at hinatak papunta sa malapit na silong.

"Tinutulungan ako ng ulan na maitago ang aking pagluluksa," madramang sabi ko. Inilabas niya ang kanyang hand towel para punasan ang buhok kong nabasa ng ambon. Parati siyang may dalang ganyan, apat pa nga usually. Athlete kasi!

"Tinotopak ka na naman! Isang oras ka lang naman maglilinis sa library. Saan mo ba kasi inilagay ang I.D. mo kahapon?" Pumamewang siya habang kinakausap ako.

"Sigurado naman akong isinuksok ko 'yon sa aking bag!" I crinkled my nose. 'Yun lang naman kasi ang huling maalala ko. I routinely place my ID on my backpack's external side pocket.

Kanina lang ay naabutan ako ni Aira na parang nababaliw na habang nangangalkal sa aking bag dito sa tapat ng gate.

"Paano kung ako lang pala ang naka-iwan ng I.D. ngayong araw tapos mag-isa lang ako mamaya sa library? Paano kung totoong may nangangalabit doon tapos paglingon mo, walang tao?" I shuddered. Even imagining that freaked the hell out of me!

"Palagi namang nandoon ang librarian natin. Tsaka shortened period naman tayo kaya't hindi ka gagabihin doon. Halika na. Baka lumakas pa itong ulan," aniya sabay kawit ng kanyang kamay sa braso ko.

"Fudge talaga!" ngawa ko pa rin. Sumukob ako sa kanyang payong.

Pagkarating namin gate ay inilista ko ang aking pangalan saka pumirma ng Behavior Slip na siyang lalagdaan naman ng librarian pagkatapos ng kung anumang ipapagawa niya sa akin mamaya.

Sinubukan kong i-guilt trip si Aira para samahan ako pero may club activities kasi kami ngayon at paniguradong mas matatagalan sila sa Sports Club dahil sa try out para sa nalalapit na Interschool Sports Meet.

***

"Hindi mo ba susubukang sumali sa screening para sa School Press Conference?" baling sa akin ni Aira habang papasok kami ng cafeteria. Ngayong Grade 10, hindi kami magkaklase ni Aira. Ang ginagawa namin para magkasama ay nagsasabay na lang tuwing recess at lunch kapag parehong wala kaming ihinahabol na requirement.

"Depende," nakangising sagot ko.

Napangiwi siya ng kaunti. "Ayan ka na naman. Sinasabi ko na sa'yo, Rae. You can write. Just try harder," aniya. Inakbayan ko siya't kinumbinsi na susubukan ko.

This school year ay ipinatupad na dapat bawat estyudante'y kasali sa at least isang club. Simula Grade 7 ay archer na si Aira ng Sports Club kaya't wala siyang problema sa bagong patakarang ito. Siya pa nga ang nanalo noong Intramurals at iba't-ibang events na ang nasalihan at napanalunan niya.

WHEN IT'S LOVEWhere stories live. Discover now