Chapter 30

7.1K 126 12
                                    

The week is almost over and it's still peaceful

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

The week is almost over and it's still peaceful. Shane didn't do anything— that I know of. Kahit kasi si Neil ay nagtatanong kung may ginawa ba sa akin ang ex niya. Nakasabay ko kasi siya kahapon ng umaga. It wasn't awkward or anything. Just friends talking, on my end at least.

Dahil halos kakatapos pa lang ng exams ay hindi pa ganoon ka-stressful sa requirements. Deadline na rin ng drafts namin para sa school paper kaya parating diretso ang uwi ko nitong huli. I wrote a lot of articles but I'm not confident about them. Mabuti pa si William, naipasa na niya ang kanya noong isang araw.

Speaking of him, these past few days ay ihinahatid niya ako sa sakayan namin. Sinubukan kong magtanong-tanong ng patungkol sa kanya pero nagagawa niyang ibahin ang usapan parati.

It's frustrating that he seem reluctant to share things with me. Idinadaan niya sa clever comments or one liners ang mga sagot niya. Ganoon din sa mga texts and chats namin.

I tried asking about their friend Jaira but he dismissed it and asked about my articles instead. Na-disappoint ako pero kinimkim ko lang. I suppose we are not there yet.

"Dito ang finals ng archery bukas tapos 'yong game naman versus Shirikawa for basketball sasabay din?" tanong ni Gale.

"Iyon ang sabi ni Ai at ganoon din ang nakalagay sa sched," tugon ko bago sumubo ng rice. Lunch break kasi ngayon at parating sila ni Monique ang kasama ko ngayo't nasa sports meet whole week sina Rus at Aira.

"Why not during lunch?" sabi bigla ni Monique. Vegetable salad ang order niya pero ilang subo ay tapos na raw siya. Nahiya naman ang pork chop ko na pinagpapawisan ng mantika.

"Ha?" sabay kami ni Gale.

"Rae and William," tugon niya. Kamuntikan akong mabilaukan. Nagtitigan kaming tatlo sabay tawa.

"Hindi naman sikreto na close kayo at nagsasabay kayo lately pauwi!" bunyag ni Gale. Monique nodded and calmly drank her tea.

"Sabagay. Pero hindi kami ha? Tsaka, ano ang tanong mo Mon?" mahinang sabi ko. Paniguradong namumula na ako.

At tama, hindi pa nga kami pero kung makapag-isip ako ay parang dapat may karapatan akong malaman ang buong katauhan ni William. I'm being disappointed by my own expectations.

"Bakit hindi kayo nagsasabay tuwing lunch?" she answered.

"Natutulog siya tuwing break," I answered right away.

Pareho silang napatingin sa likuran ko at ang lalapad ng ngiti nila. Maya-maya ay may tumabi sa akin.

"Hindi naman lagi," sabi ni William sabay lapag ng water bottle sa table.

Itong dalawang 'to!? Alam ba nila na nasa likuran lang si William kaya biglang ganoon ang mga tinatanong nila? Alam kong tama ako nang makitang tumatawa na sila.

"Hindi ka na naman kumain," sabi ko na lang sa katabi ko.

"Oo nga, kumain ka naman. Mas sexy ka na kaysa kay Rae," singit ni Gale.

WHEN IT'S LOVEWhere stories live. Discover now