Chapter 9

7.9K 117 17
                                    

Ibang-iba na ang interior ng Tangent at hindi ako makapaniwalang isang linggo lang ang inabot ng ganito kagandang remodeling! Well, architects naman kasi ang parents ni Aira tapos Architecture din ang kinukuha ni Kuya Jay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ibang-iba na ang interior ng Tangent at hindi ako makapaniwalang isang linggo lang ang inabot ng ganito kagandang remodeling! Well, architects naman kasi ang parents ni Aira tapos Architecture din ang kinukuha ni Kuya Jay. The new purple contemporary design is truly ravishing.

Actually, ang dami na ngang tao dito sa baba at karamihan ay mukhang mga college students. Pagkaakyat namin ay mas nahumaling ako. There's a mezzanine with a set of drums and electric guitars!

May sarili na ring cashier station ang pangalawang palapag. Dati ay ginagamit lang ito para sa mga events like birthdays or group dining.

"Mukhang wala pa tayong uupuan," sabi ni Aira nang mapunang fully packed rin dito. "Akyat nalang muna tayo sa taas," aya niya.

Sinundan namin siya at pagkabukas niya ng pinto, wala na ang office-ish na set up ng third floor. Instead, there's a sofabed, LCD TV on the wall, billiard table and a kitchen. Mukha na nga siyang isang pad!

"Sinong nakatira dito?" tanong ni Shane habang inaaral ang room.

"Kuya ko. Siya rin ang kunwaring manager ng cafe," sagot ni Aira na ngayo'y papunta na sa kusina para kalkalin ang ref.

We're still settling down when the door opened. Nakilala ko agad ang mga kasama ni Kuya Jay. There's Kuya Arthur, Allen and of course, Neil!

"Oy, Rae!" bati agad ni Kuya Jay sa akin sabay high five.

"Long time no see," sunod naman ni Allen, pinsan ni Aira na mas matanda ng dalawang taon sa amin.

"Punong-puno sa baba kaya dito muna kami. Ah, si Shane nga pala. Schoolmate namin," pakilala ni Aira kay Shane na nakatayo na pala sa likuran ko.

"Hi!" Shane said cheerfully.

"Hello. Sila naman ang bandmates ko. Arthur, Allen and Neil," sabi naman ni Kuya Jay. Isa-isa silang nagtaas ng kamay nang banggitin ang kanilang mga pangalan.

Neil's eyes are glued to me and it's making my stomach sink!

"Si Neil lang ang hindi mo kilala ano?" baling ni Allen sa akin.

"Magkapitbahay kami ni Rae. Small world. Hi, Aira and Shane," sagot ni Neil.

"Hello," singit ni Aira sabay lapit at kilatis sa mukha ni Neil. Leche talaga 'to. Hindi man lang nagpasimple! Wala kasing nasagap na info si Aira bukod sa kagaya ng sinabi ni Neil sa akin na inirekomenda lang siya ng isang kaibigan ni Kuya Jay.

"Umakyat lang kami para mag-iwan ng gamit. Sumunod na kayo sa baba. We're starting. Two other bands are already there," tawag-pansin ni Kuya Jay sa lahat.

"Later," sabi ni Neil sa amin—or more like sa akin.

Pagkasarang-pagkasara ng pinto ay binanatan na agad ako ni Aira.

WHEN IT'S LOVEWhere stories live. Discover now