Chapter 25

7.5K 105 28
                                    

The moment I entered, I was immediately awed by the open-plan living design of the house

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

The moment I entered, I was immediately awed by the open-plan living design of the house. Rustic ang theme ng loob, mula sa paint hanggang sa furnitures.

"Rae-rae!" sigaw ni Charice mula sa sofa. Nakatayo siya doon at kasalukuyang naglalaro ng Guitar Hero kasama si Myr.

"Beast!" Dinamba ako ng yakap ni Aira. Sa ngayon ay hindi ko pa makita kung nasaan sina Rus at William.

"What's up!?" Si Myr naman.

"Hell-o!" bati ko sa dalawang naglalaro bago bumaling kay Aira.

"Hindi ka nakabili ng cake?" tanong niya.

"Something like that," mahinang sagot ko. Kumunot ang noo niya. Gusto kong magkuwento pero hindi dito.

Bago pa makasingil si Ai ng ibang info ay lumabas mula sa hallway sina William at Rus. Naka-PJs si William at may tuwalyang nakapatong sa ulo niya.

Umiwas kaagad ako ng tingin. I can't help but feel awkward and embarrassed.

"Here's yours, Rae. Magpalit ka na rin. First room down the hallway. May hair dryer din doon. We'll prepare the food." Lumapit si Rus at inabutan ako ng isang pares ng pajama. Pareho ito ng disenyo sa suot ni William.

"Basa ka rin?" tanong ni Aira. Naramdaman kong nakatitig si William sa akin kaya dali-dali kong kinuha at PJs at pumasok sa pinanggalingan nilang kuwarto.

Dumadagundong ang dibdib ko, buwisit! Hindi ko kasi alam kung ano ang talagang ibig niyang sabihin sa "I like you a lot" niya kanina. As a person ba? Romantically? Ayaw kong pangunahan ang sarili ko.

Nagmadali akong nagpalit para makitulong din sa paghain ng food. Itatanong ko na lang mamaya kung saan puwedeng magpatuyo ng damit. Halos tuyo naman na ang buhok ko kaya hindi ko na ginamit ang blower.

From here, I can hear them teasing each other. Pinaka-malakas ang boses ni Rus at Charice. Tuloy ay humahagikhik na rin ako paglabas. Surprise party ba talaga ito? It sounds like a roast party for me!

Hindi ko inasahan na nakaabang pala si William sa labas malapit sa pintuan. Nanlaki ang mga mata ko at akmang iiwas na sana pero hinarang niya ang dadaanan ko.

"A-ano?" tanong ko habang sa sahig ang titig.

"Hmm?"

"Tabi!" Gumilid ako pero tumapat pa rin siya.

"Kulit mo!" I glared at him. Nakaangat ang isang kilay niya habang nakatitig sa akin. Na-conscious kaagad ako. I hope I'm not red right now. Good grief! I was about to run away when he spoke.

"Parati kang may dalang Band-Aid, hindi ba? Puwedeng humingi?" Inilahad niya ang kanyang kaliwang palad.

"Oh? Napaano 'to?" Hinawakan ko ang kamay niya at ininspeksyon ang hinlalaki niyang may maliit, ngunit dumudugong, sugat.

WHEN IT'S LOVEWhere stories live. Discover now