Chapter 23

8.1K 128 20
                                    

I could've just listened to what Neil had to say

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I could've just listened to what Neil had to say. Nilakasan ko na nga ang loob ko na tanungin siya pero tumakbo pa rin ako.

Is there something wrong with me? Is it plainly because I hate arguments? Or am I more scared of what follows after that?

Lalo akong napabuntong-hininga nang makitang bumubuhos ang ulan sa labas. Mabuti na lang at nandito na ako sa loob ng cake shop. The line is quite long because it's a famous store. Okay lang, marami pa naman akong oras.

Nag-order na lang muna ako ng kape habang naghihintay.

I kept on checking my phone to see if William will at least text me. Pagkatapos ng tawag kagabi, hindi na siya nagparamdam. Gusto ko siyang i-text kanina para tanungin kung anong cake ang gusto ni Rus pero hindi ko na itinuloy. I just bought one of the best sellers.

Nakaka-frustrate. Hindi sila, pero ang sarili ko. Now that I'm alone, I'm musing over things that I don't usually think about that much. Or I mean, mga bagay na parati kong isinasantabi.

Am I too passive? A pushover?

Hindi ko namalayan ay ubos ko na ang aking kape. I ordered ice cream next and when I was about to eat it, I saw Shane pass by.

Wala siyang payong at parang natataranta. I'm supposed to be mad but I got worried. Paano kung sa lahat ng sinabi niya'y totoo ang pagkakaroon niya ng breakdowns? Sumagi rin sa isip ko ang sinabi ni Aira sa akin kagabi.

Unknowingly, I followed her. Isinuot ko ang aking cap at mask. Sa ngayon ay nasa isang residential area na kami. Kung hindi ako nagkakamali, bandang dito yata siya nakatira.

After several minutes of walking in the rain, she stopped in front of a house. Siguro'y nag-aalala lang ako sa wala. I'm drenched and was about to head back when I noticed Neil approaching Shane.

Akala ko ay magyayakapan sila pero—

"Shane, what the fuck?! May sinabi ka ba kay Rae? Ikaw ang nakipag-break sa akin! I told you that I'll be the one to talk to her!" sigaw ni Neil.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Shane, on the other hand, looked calm.

"Sa loob na tayo mag-usap. There's no one inside," she said.

"No. I want you to stop this, Shane."

"I'm friends with Rae. Magkaklase kami, kasalanan ko ba 'yon?" Shane retorted.

Ako nga ang pinag-uusapan nila.

"Sa tingin mo ba'y hindi ko nakikita ang ginagawa mo? For fuck's sake!"

Kung hindi umuulan ay siguradong narinig na ng buong neighborhood ang mga sigaw ni Neil. Tuluyan na ring nawala ang kakalmahan na ipinakita ni Shane kanina.

"Bullshit, Neil! Alam kong mahal mo pa rin ako! We were together for two years! Sinabi ko naman sa'yo na kailangan ko pa ng oras. I am busy with my studies and I don't have time for this now!" sigaw pabalik ni Shane.

WHEN IT'S LOVEWhere stories live. Discover now