Chapter 22

7.8K 105 18
                                    

Hindi ako nakatulog nang maayos

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ako nakatulog nang maayos. The thought of William possibly liking me back kept me up. But I don't feel tired. If anything, I'm fired up! I kept on imagining how it will be.

Kapag gusto ba namin ang isa't-isa, magiging kami? Manliligaw ba siya? Ganoon nga ba kadali? I don't have any clue but that mere idea makes me giddy.

I wiggled and let out a short squeal. Nagising tuloy si Aira dahil sa ginawa ko.

"What—saan—?" disoriented niyang sabi habang nauupo.

"Nandito ka sa kuwarto ko." I grinned. Kumunot tuloy ang noo niya. Kapansin-pansin yata ang extra energy ko. Just yesterday, we were brooding about Shane and her lies.

Oh, I've almost forgotten about that.

"Crap! May training pala kami! Can I shower now!?" Agad na bumaba si Aira sa kama nang makita niya sa kanyang phone na pasado alas syete na ng umaga. Tinakbo niya ang kanyang bag at isa-isang inilabas ang damit na isusuot.

"Wala ba kayong pahinga? Paano mamaya? May regalo ka na ba kay Rus?" tudyo ko habang tumutungo naman sa closet para kuhanan siya ng tuwalya.

"Huh? Around dinner naman 'yon. I'll be there. Kaso baka hindi na kita masabayan."

"It's okay."

Huminto siya sa ginagawa at pumamewang sa harapan ko.

"That's weird," aniya.

"Ang alin?" nakangiting tanong ko.

"Bakit ang extra mo ngayong umaga? May nangyari ba kagabi na hindi ko alam? O baka naman in denial ka pa rin kaya nakalimutan mo na dapat iniisip mo kung ano ang gagawin mo kapag nakaharap mo si Shane at Neil? Or if you'll see William later!"

Napangiwi ako saglit.

"I don't think I can confront them. Isa pa, kung may nasaktan man sa ginawa nila, it's my pride. Hindi ko ipapakita na apektado ako."

"Magpapanggap ka ba na hindi mo alam? So that in a way, this time you'll be the one looking at Shane like a fool?" medyo seryosong sabi niya.

Napalunok ako. I didn't think that it's what'll imply. But maybe she's right.

"Kagabi lang, sinabi mo na hindi mo mapapatawad si Shane at Neil. That you'll be on my side no matter what," I said wryly.

"I am on your side!" Dinamba niya ako ng yakap. Napahiga tuloy ulit kami sa kama. "Sinabi ko 'yon dahil ayaw ko na may pagsisihan ka. Hindi rin kita ma-imagine na nakikipag-away openly. Inflicting pain on others, that's not you, dear Rae," she continued.

Tumango ako. "Salamat, my dear friend. Ayaw kong maging passive pero hindi ko rin talaga makita ang point kapag ako ang nang-confront sa kanila."

"Pero kapag sila ang lumapit para magpaliwanag sa'yo, makikinig ka ba?"

WHEN IT'S LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon