Chapter 36

6.1K 99 18
                                    

Napabalikwas ako ng bangon nang mag-vibrate ang phone ko na nasa night stand

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

Napabalikwas ako ng bangon nang mag-vibrate ang phone ko na nasa night stand. Napa-aray tuloy ako ng malakas. My body is still sore from all the hiking and standing today.

It's William and he just sent a text message.

[William]: Welcome back. Sorry I missed the chance to call and text you today. Meet tayo bukas?

Pagtingin ko sa oras, alas dos na pala ng umaga. Kumunot tuloy nang husto ang noo ko. Nakatulog ako kaagad pagkauwi kanina pero buong araw ko talagang hinihintay na i-contact niya ako. Kung anu-ano na rin ang ideyang pumapasok sa isip ko. I was really worried.

Sumandal ako sa headboard ng kama at nag-isip ng pangreply. Noong una, gusto ko lang mag-type ng 'Okay' dahil sa inis. But what will come after that? Mag-aaway kami? I kinda don't like that. Siguro naman ay sasabihin niya bukas kung bakit...

[Me]: Hindi ka pa tulog? Okay, where?

Mabilis na dumating ang sagot niya— which is a call.

"Hello?" mahinang sagot ko habang lumalabas sa balkonahe.

"Rae!" he said excitedly. Napangiti tuloy ako.

"Ako nga. Bakit po? Akala ko nakalimutan mo na ako."

"That's not possible. Hey... sorry." I heard him sigh.

"Are you okay? Nag-alala ako." 

"Just tired. I'll tell you tomorrow. I can't wait to see you."

I bit my lower lip. He can really say those words straightforwardly! Tapos sasabihin niya na hindi niya ako kayang lapitan nang maayos noon? But I'm glad he is saying these to me now. Take note, to me.

Gusto kong tumili sa kilig. Tuluyan na yatang nawala ang inis ko.

"Ah, by the way. I think you met my mom," aniya bigla. Napaayos tuloy ako ng tayo at kinabahan.

"When? Where?"

"Sa charity ball kanina? I just saw a picture tagged to you. She's the pianist."

Nanlaki ang mata ko. Earlier during the ball's dinner, a retired pianist performed for the guests. She's pretty and looked really young. 

"Lily, that's her name. Seph was with her," aniya nang hindi ako sumagot.

"What a small world. Classmate ng mom ko ang mom mo noong high school sila. Kaya kami may pictures together. Nakita ko si Neil sa event pero hindi si Seph. Oh my God!" timping sagot ko. Kapag kasi sumigaw ako, malamang mabubulabog ang buong bahay.

"Seph saw you."

"Ganoon? Bakit hindi raw siya lumapit?"

"You were talking to someone for a very long time. He got bored and hid in the car," he answered seriously. It almost sounded like he's sulking though.

WHEN IT'S LOVEHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin