Chapter 18

7.4K 101 10
                                    

TWO SCHOOL YEARS AGOPart 2

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

TWO SCHOOL YEARS AGO
Part 2

Gusto kong hambalusin si Aira nang sikuin niya ako sa kalagitnaan ng aking pag-inom. Nasamid kasi ako at naubo. May tumilansik tuloy sa damit ng dumaan sa tabi—

Halos ma-drain ang dugo sa mukha ko nang makita kong si William ang natalsikan. There's a huge blotch on his white P.E. shirt. Coke pa man din 'yong iniinom ko!

Tinakpan ko kaagad ang bunganga ko sabay pasimpleng kurot sa hita nitong best friend ko na pahamak!

"Hindi niya sinasadya!" sigaw bigla ni Aira. Mas napansin tuloy kami ng ilang mga students na nandito sa canteen.

"Rae." William sighed, shook his head and then left.

Kahit na nangako si Aira na hindi niya ako aasarin, ilang beses na niya itong ginaw nitong nakaraang mga linggo. Naging mas maingat tuloy ako sa bawat galaw ko. It's not like I'm seeking William out everyday. If anything, I just notice. Just like how neat his handwriting is, how he's seemingly good at everything. Those sorts of things. I'm still convinced that it's not a romantic crush as opposed to what Aira's been trying to imply.

"Bloody hell ka!" Pinalo ko ang balikat niya habang naglalakad kami papunta sa C.R. Natalsikan din pala kasi ang shirt ko kaya't kelangan linisan.

"llilibre kita ng ice cream!" She grinned.

"Tama na kasi, Ai. Please lang, hindi kaya ng heart ko!" I pouted.

"Bakit? Ano ba talaga ang pakiramdam? Doon ako curious. Is it as they describe in books? Sa mga manga kasi parang isang oras lang nagkita, love na kaagad. I know I admire some people but I wouldn't call it love."

"S-sinabi ko bang in love ako sa kanya? Admiration lang nga! Platonic crush!" mahina pero madiin na sabi ko.

"I was talking in general. Hala ka, baka may bigla kang na-realize?" pang-aasar na naman niya.

"Okay, I give up. Sige, asarin mo lang ako nang asarin. Magsasawa ka rin!" Binelatan ko siya.

"Sabi mo 'yan ha? Hindi ba't magkagrupo kayo sa Chemistry group homework? Sa inyo kayo gagawa bukas, 'di ba? Naks, dadalaw si crush sa bahay nina Rae." Tawa siya nang tawa. Luminga kaagad ako sa paligid para tingnan kung may ibang tao. Meron pero malayo sa amin.

"You're really having fun, huh? Hintay-hintay ka lang. Kapag nagkaroon ka rin, hindi kita tatantanan!"

"Good luck waiting. Mga five years pa siguro. Archery lang ang love ko sa ngayon."

Pumunta ako sa harapan niya para mahinto siya sa paglalakad. This means war! "Hah! Basta, mark my words! Ako nga hindi ko inexpect na magkakagusto ako sa—"

Biglang nanlaki ang mga mata ni Aira sabay nguso sa likuran ko. Pagkalingon ay nauntog ako sa dibdib ni William.

"Stop doing that!" sigaw ko tuloy sa kanya dahil sa sobrang gulat. Why does he keep on popping up like as if he's conspiring with Aira to prove a point?!

WHEN IT'S LOVEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora