Chapter 12

7.8K 112 21
                                    

Puspusan ang ginawa kong pag-aaral noong weekends kaya naman nang dumating ang exams namin ay hindi ako masyadong nahirapan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Puspusan ang ginawa kong pag-aaral noong weekends kaya naman nang dumating ang exams namin ay hindi ako masyadong nahirapan. I managed to block out any distractions. I think that's actually one thing that I'm really good at.

Hindi rin pala natuloy ang plano ni Shane na mag-aral sana kami sa bahay nila dahil ayaw raw ng parents niya. Pareho kaming nagulat ni Aira pero hindi na namin pinag-usapan ang tungkol doon. We just assumed Shane's parents must be really strict about her studies.

Half day kami ngayong last day ng exams at sakto namang nandito ulit ang parents ko at sa labas daw kami kakain ng lunch. May practice din kasi sina Aira dahil next week na ang simula ng Sports Meet.

Dad was talking about our Christmas plans when William texted me.

[William]: Bukas.

[Me]: Huh?

Iyon lang ang laman ng text niya! Hindi ko kaagad naintindihan hanggang sa maalala kong dapat pag-uusapan namin ang para sa birthday surprise ni Rus. Bago pa ulit ako maka-send ng bagong message ay nag-reply siya.

[William]: Party ni Rus. Tawagan kita ngayon.

Nanlaki ang mga mata ko.

[Me]: Hoy
[Me]: Wait
[Me]: Nasa labas ako!

Para akong ewan na natataranta! Isa pa, kasama ko ang mga magulang ko!

[William]: Ok. You call me later then

[Me]: Yes sir!

I smiled. This is just like him. Ang iiksi ng texts!

"Boyfriend?" Dad suddenly asked.

"Friend lang po!" depensa ko agad.

"We trust you and just as long as you know your limitations, baby. You'll have to introduce him to us," komento naman ni 'Ma.

"No, it's not like that!" angal ko sabay paliwanag na tinutulungan ko lang 'yong friend ko para magplano ng surprise party.

They, thankfully, dropped the topic. Though I think they don't really believe me 100%.

Pagkatapos naming kumain ay lumibot muna kami sa mall. Gusto rin daw nilang manoon ng sine. We're really going all out today! At dahil mukhang magagabihan kami, nagpaalam akong may tatawagan lang ako saglit bago pumasok sa cinema.

As soon as I was out, I dialed William's number.

"Oh?" tugon niya.

"Sabi mo tawagan kita. Ano na?" I bit my lower lip.

"Meet tayo after class bukas," he answered calmly.

"O sige. Puwede naman palang i-text mo lang e. Bakit kailangang tawag pa? What, you just wanted to hear my voice?"

And with that, he dropped the call. Hindi na mabiro o! I kinda expected that reaction though. In fact, I think I was looking forward to it.

***

Late na nang makauwi kami kagabi at dahil sa pagod ay nakatulog ako kaagad. Nakalimutan ko tuloy na i-charge ang phone ko.

Nang buksan ko tuloy ang aking phone kinaumagahan ay dumagsa ang pagkarami-raming messages. There are few from Aira and Shane but majority of it were from Neil. Lalo pa akong nag-panic nang mabasa ko ang pinakahuling text niya kagabi!

I started to tap my phone frantically. Wala akong natanggap na reply. Nakapag-ayos na ako't lahat pero wala pa ring message.

Pagkapaalam sa aking mga magulang ay nagtatakbo ako palabas ng bahay. Huminto ako sa intersection at nag-abang. Binabasa ko na rin ang iba niyang texts.

[Neil]: Tulog ka na? Nandito ako sa malapit sa inyo
[Neil]: I need to tell you smtjhng
[Neil]: Heyt
[Neil]: Tapos na exams ninyo?
[Neil]: I'm so sorry
[Neil]: Help me pls Rae

Anong ibig sabihin ng mga ito? I am a bit worried.

"Hi."

Nag-angat ako ng tingin.

"Buhay ka!" I was so relieved to see him. I actually went ahead and hugged him!

Tawa siya nang tawa. "Am I supposed to be dead?"

"Hindi! Kasi 'yung mga texts mo—" Iniharap ko sa kanya ang aking phone.

"Sorry, Rae. Lasing kasi ako kagabi. Don't mind those."

"Magkaibigan tayo, 'di ba? Kung kailangan mo ng makakausap, nandito lang ako. I'm a text away—except kung dead bat na ako."

"That means a lot. Gusto mo bang lumabas this Sunday? May gusto talaga akong sabihin sa'yo."

Hindi ako nagdalawang-isip.

"Okay, I'm free."

"I'll text you the details. Sasamahan na kitang maglakad hanggang sa sakayan. Kakasimula lang ng break namin kaya lumabas kami ng mga kabarkada ko kahapon."

"Pero bakit nandito ka ng ganito kaaga?" Taimtim kong inaral ang mukha niya. Mukhang ang laki ng ipinayat niya.

"I'm not sure, too. But lucky for me, nakita kita. Maybe that. Let's go? Baka ma-late ka."

Gumaan ang loob ko na parang bumalik kami sa dati. Pero ano kaya ang gusto niyang sabihin sa akin? Don't tell me, he's going to ask me out?

The atmosphere didn't really suggest that though.

***

Nawalan ako ng oras na makausap si Aira ngayong umaga dahil saktong bell na nang makarating ako.

Pinadiretso ang lahat ng students sa hall para magkaroon ng meeting patungkol sa nalalapit na Halloween activity namin. Dahil nga sa kamuntikan akong ma-late ay sa likuran na ako nakaupo samantalang magkakatabi naman sina Shane, Aira, Rus at William sa may bandang gitna.

"Good morning, schoolmates. First of all, ibinigay ko na sa mga class presidents ang tasks ng bawat sections. Para sa mga freshmen, nakapaskil sa bulletin board ang mga magiging activities natin. Ang bagong naidagdag sa listahan ay ang bake sale," anunsiyo ni Ethan, ang student council president namin.

"I-send mo na sa akin, dali..." hagikhik ng katabi kong lower year. Napatingin tuloy ako sa kanila dahil kanina pa sila maingay.

"May mga pictures pa ako ni Kuya Rus!" sabi naman ng isa.

Pasimple akong lumapit para tingnan ang nginingisian nila. Sabi na nga ba e. Kumakalat na sa school ang tungkol sa gig nina Rus at William sa Tangent.

Ibinalik ko ang aking atensyon sa harapan. Napansin ko tuloy nang bulungan ni Shane si William.

I felt a pang of pain on my chest. This isn't right!

Lumabas ako at tumungo sa CR. Nagkulong agad ako sa isang cubicle.

Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko ngayon. I tried reasoning out to myself but the more I did, it only ended up verifying that I might still like William after all this time.

Nasasaktan na naman ako kahit na hindi dapat. Ganitung-ganito rin ang pakiramdam ko nang malamaman ko na may girlfriend si William—na hindi pala totoo ayon sa kanya. Still, I was heartbroken then and that's when I realized that maybe I was in love with him.

Am I still?

---

WHEN IT'S LOVEWhere stories live. Discover now