Chapter 43

6.5K 108 23
                                    

"Spray and acrylic   paint, popsicle sticks, plastic cups? Saan mo gagamitin ang mga ito?"   tanong ni William habang binabasa ang nasa to-buy list ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Spray and acrylic paint, popsicle sticks, plastic cups? Saan mo gagamitin ang mga ito?" tanong ni William habang binabasa ang nasa to-buy list ko.

"Resin art."

"That's new," aniya.

"Sinubukan namin ni Ate Rose once pero naaadik na yata ako."

"Is it relaxing?" Hinila niya ang isang cart at sabay na kaming umikot sa bawat aisle.

Small talks. This works for now. Mas mabigat ang pag-uusapan namin mamaya at kailangan ko ng kaunting oras para i-internalize ang lahat ng nalaman ko kanina.

I thought it'll be awkward and uncomfortable but it's actually easy. Like as if we just fell back to how we used to be.

Isa pa, ang lungkot niyang tingnan. I want him to smile again so why haven't I been trying?

"Medyo."

"Will you show some to me?"

"Kung ipaparinig mo ang mga kanta mo, sige. Trade?" I grinned.

"On second thought—" Iniliko niya ang cart palayo sa akin.

"Sige na kasi!" Hinila ko ang hoodie ng kanyang trench coat.

"Nope."

"Magkano ba talent fee mo ha?" I prodded.

"That's not the issue." Huminto siya sa tapat ng paint section.

"E ano?" Inabot ko ang blue acrylic paint at binasa ang likuran.

"They're mostly about you. Papakinggan mo pa rin kahit ganoon?"

Kamuntikan kong mabitawan ang hawak ko.

"Hinihingi ko nga, 'di ba?" Inilagay ko ang pintura sa cart at dali-daling lumipat sa kabilang istante.

"Alright, tell me when." He smirked and it delighted me for a second or two until I realized what's really holding me back from running to him.

Guilt and regret— this combination is never good. I might end up overcompensating. Will that still be love? Naguguluhan ako. Parang dati, siguradong-sigurado ako sa kung ano ang nararamdaman ko.

"Rae."

"Hmm?" Kunwari'y abala ko sa pagkikilatis sa iba't-ibang brand ng ink sa katapat kong shelf.

"It's currently ten in the morning. Can I borrow you until three?"

Tiningala ko siya. Ang seryoso niya at parang kinakabahan. What am I feeling now? Naawa ba ako kaya dapat akong umoo?

"Sorry. Forget it. Ano pa ang kailangan mo?" He dragged the cart and moved. What face did I just show?

Before I can beat myself up with my own confusing thoughts, I strode until I caught up to him.

WHEN IT'S LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon