Chapter 31

7.3K 112 18
                                    

Nasa kalagitnaan kami ni Ate Rose ng pag-aayos sa steampunk assassin costume ko nang mag-text si William na nasa repair shop daw ang sasakyan niya

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

Nasa kalagitnaan kami ni Ate Rose ng pag-aayos sa steampunk assassin costume ko nang mag-text si William na nasa repair shop daw ang sasakyan niya. Dapat kasi ay susunduhin niya ako at sabay kami. I felt a bit disappointed but there's really nothing I can do.

"You've been sighing for a while now. May problema ba?" tanong tuloy ni Ate Rose.

Inilapag ko ang phone ko at humarap sa salamin. Medyo mainit ang custome dahil gawa ito sa black and brown leather. Accessories na lang ang kulang at ang paglagay sa gray contact lenses.

"Wala po." Ngumiti ako.

"Totoo? O baka naman it has something to do with your boyfriend?" pang-aasar ni Ate.

"Hindi pa nga po boyfriend, Ate." I pouted.

Why am I sulking? Magkikita pa rin naman kami mamaya. Or is it something else that's making me feel uneasy?

"Ipakilala mo na nga para kapag pinaiyak ka, alam ko kung sino ang susugurin."

"Ate, hindi nga!"

"O, don't get too worked up. Baka masira make up mo. But Rae, remember the reminders your parents gave you ha? I'm not just teasing. Text me mamaya kung patapos na ang event at kung pauwi ka na," seryosong tugon niya.

"Sorry, Ate. I just text Aira, dadaanan na lang daw niya ako mamaya. At promise, wala pa po akong boyfriend. If meron man, I'll tell you. Hindi ko po sisirain ang tiwala ninyo sa akin," I said to assure her.

"Thank you. Okay, let's put on your lenses na."

Nagpatuloy kami sa finishing touches. Nag-Skype call pa saglit ang mga magulang ko para makita ang suot ko. I also snapped a bunch of photos to send to them. Thinking about it now, it's still kinda lonely.

What if nandito si 'Ma at siya ang kasama kong nag-aayos? And Dad will be taking photos on the sidelines.

"Miss mo na sila?" siniko ako kaunti ni Ate Rose sa tagiliran. Nasa patio na kami at hinihintay ang pagdating nina Aira.

"Halata po ba?"

"Obvious na nagpipigil ka ng iyak kaninang magpaalam sila sa call."

"Gusto kong sabihin na sanay na akong hindi sila kasama. Kahit na ako ang namili na hindi sumama sa kanila sa London, minsan napapaisip pa rin ako kung tama ang desisyon ko. I really miss them."

"Hmm. Rae, sa tingin ko'y hindi mo na dapat isipin ang dumaan na. You've decided and you've been doing good so far. I honestly thought that after a year, you'll cry and ask them to come and get you. Marahil ay ang future ang dapat mong pagtuonan ng atensyon. Like your college plans."

Natahimik ako. Si Aira pa lang ang may alam na may ganoon akong plano. That there's a high chance that I'll follow my parents there. But to leave William behind...

WHEN IT'S LOVEजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें