Chapter 6

8.5K 121 17
                                    

It's a rainy morning but I don't mind at all

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

It's a rainy morning but I don't mind at all.

Nag-text si Neil kagabi na magsabay raw ulit kami papuntang school kaya heto, sabay kaming naglalakad palabas ng village. Nangako din siya na hindi na siya mangangamoy yosi kapag kasama niya ako. Baka napansin niya ang reaction ko kahapon. Wala rin naman ako sa lugar para pagbawalan siya. Although, I'd like it if he quits.

"Oo nga pala. Baka gusto mong manood ng set ng banda namin next week? It's at this cafe named Tangent?" sabi ni Neil bago namin marating ang sakayan.

"Tangent? As in 'yung malapit sa pharmacy?" gulat na tanong ko.

"Oo. You've been there before?"

"Madalas ako doon! Sa pamilya kasi iyon ng kaibigan ko," excited na sagot ko. Lumiwanag ang mukha niya.

"Kilala mo si Jay?"

"Ang Kuya ni Aira?! Yes! Ang liit naman ng mundo..." I bit my lower lip.

"Yeah, it's perfect. Kabarkada kasi ng pinsan ko si Jay at nang maghanap sila ng bassist, ako ang inirekomenda," paliwanag niya.

Binagalan namin nang kaunti ang lakad para makapag-usap pa kami. With every step, my heart beats faster. This is a very familiar feeling. Uh oh, I'm not sure if it's a good thing or not.

Pagkarating sa school ay automatic kong hinanap si Aira. Mukhang alam na niya ang rason kung bakit ang hyper ko ngayong umaga.

"Nagsabay na naman kayo ano?" aniya sabay sara sa pinto ng kanyang locker.

"Hindi lang 'yon. Si Neil ang bassist nina Kuya Jay!"

"For real?" Inilabas niya ang kanyang phone at binuksan ang Facebook page ni Kuya Jay. "May post si Kuya na picture kaninang umaga at isa lang ang hindi ko mamukhaan," patuloy niya bago ipinakita ang nasabing larawan. The photo's captioned , 'Soon' at nandoon si Neil!

"Siya 'yan!" pahayag ko sabay hampas sa balikat niya.

"Ngayong inspired ka na, do your best with the screening later. It looks like the stars are lining up for you," sabi niya.

"Opo, inay!" biro ko.

"Oo nga pala, Rae. Tumawag si Rus sa akin kahapon at—"

"Uy, tinawagan siya!" singit ko agad.

"Magka-text rin kami FYI. Boring daw kasi sa ospital."

"Ikaw na talaga!" Pinaghahamapas ko ang braso niya.

"As I was saying, tinatanong ni Rus kung totoo bang maraming CCTV cameras sa park kung saan tayo nag-jogging. Gusto rin niyang malaman kung nagsti-steroids ako. Baliw ano?" sabi niya pero about tenga naman ang kanyang ngiti.

WHEN IT'S LOVEHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin