Chapter 34

7K 106 17
                                    

Dalawang beses pa lang akong nakapunta dito sa Lirika

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dalawang beses pa lang akong nakapunta dito sa Lirika. The first time was when William told me about Shane and Neil. That moment, I didn't really have the awareness to notice anything about the building. 'Yong pangalawa naman, hanggang sa may parking lot lang nang iwan namin ang sasakyan ni William bago sabay na pumunta sa school.

Now that I am here again, I can fully appreciate how modern the four storey building is. Come to think about it, William never mentioned if they own the whole plot.

Nakatingala ako nang may tumawag sa akin.

"Ate Rae!" Kumaway at tumakbo si Seph para salubungin ako. Kanina lang ay nagtext ako kay William na malapit na ako.

It took me almost an hour to get here because of traffic. Tapos huminto pa ako sa isang department store para bumili ng ice cream.

"Hi, Seph!"

Ang laki talaga ng pagkakahawig nila. Pero obvious na magkaiba sila ng personality. Mukhang malayong mas outgoing at vocal si Seph.

"Hindi makalabas si Kuya kaya ako na po muna sumalubong sa'yo."

"Uhm, huwag ka nang mag-po!"

"Po?" he said jokingly.

"Hindi nga!" Natawa ako. Ganito kaya siya kakulit sa kapatid niya? I can already imagine William's irritated face.

"Ate Rae o Rae lang? Ganoon? Okay lang sa akin pero baka sapakin ako ni Liam— este Kuya Liam." Ngumisi siya sabay kindat.

Nagsimula na kaming maglakad papasok ng gusali. The lobby is spacious and there's a seating area for visitors. There's also a manned front desk. Dalawa naman ang security guards sa labas.

"Okay na ako sa Ate Rae. Liam tawag mo sa kanya? Jasper naman ang gamit ni Rus. Dami niya nickname ha?"

"Kami lang siguro sa bahay ang gumagamit ng Liam. Pero oo, Jasper siya kina Kuya Rus at Ate Jaira."

Jaira. It's certainly the same Jaira who wrote those letters.

"Ikaw, Ate Rae?" nakangising tanong niya.

"Ha?" Huling parte lang kasi ng sinabi niya ang narinig ko.

"Private ba? Kung ano ang tawagan ninyo sa isa't-isa?"

"A-ano? Walang ganoon!"

"This is interesting. Oops, kailangan mo po munang pumirma sa log," aniya sabay turo sa nadaanan naming front desk.

"Okay."

"Akin na po 'yang hawak mo para makapagsulat ka nang maayos."

"Ah, ice cream 'to. Para sa inyo," tugon ko sabay abot sa kanya ng eco bag. Seph inspected the bag while I was writing.

"Naks, stress relief food ni Liam," he said then laughed.

Kanina ko pa napapansin na parang ang saya-saya niya. I mean, considering that their Dad was just rushed to the hospital.

WHEN IT'S LOVEWhere stories live. Discover now