Chapter 19

7.2K 106 25
                                    

TWO SCHOOL YEARS AGOPart 3

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

TWO SCHOOL YEARS AGO
Part 3

Kakasimula lang ng lunch break namin nang matanggap ko ang tawag ni Ate Rose. Kinailangan pa niyang ipaliwanag ng dalawang beses ang nangyari bago ito tuluyang na-process ng utak ko. She said that Wolfy ran out of the gate and got hit by a car. Itinakbo raw kaagad nila ito sa vet pero hindi na umabot.

No, that can't be. My girl is just three years old!

Iniwan ko ang aking kinakain at tumakbo sa likuran ng canteen.

"She's really gone?" I asked over the phone.

"I'm still at the vet. Rae, gusto mo bang sunduhin kita ngayon?" tanong ni Ate. She knows how important Wolfy is to me.

Humihikbi na ako kaya't hindi ko siya masagot nang maayos.

"Rae?" she called out again.

"Yes, please," tugon ko sabay hinga nang malalim. My hands are shaking and I can't fully understand what I'm feeling. She isn't just a dog. She's family.

"Okay, in twenty minutes, nandiyan na ako."

Tumango ako, kahit na hindi naman 'yon nakikita ni Ate Rose. When I didn't speak again, she repeated that she'll be here as soon as she can then dropped the call.

Umupo ako sa kinatatayuan ko. I can't stop my tears anymore. Kapag wala ang mga magulang ko o sa tuwing busy si Ate Rose, si Wolfy ang nakikinig sa akin. I know she does. Lalambingin niya ako like as if she knows that's exactly what I needed. When I want to rant but can't to other people, she's the only one I talk to.

"Rae, bakit? May nangyari ba?" Lumapit si Aira at umupo sa tabi ko.

"Si Wolfy..." I couldn't continue. I don't want to admit it. Paano kung biglang five minutes later, magkaroon ng milagro? Posible naman iyon, 'di ba?

"I'm sorry, Rae." Hinagod niya ang likuran ko.

Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo kami sa isang bench. When I've calmed down a bit, she left to get me some water and tissue. Basang-basa na ang manggas ng cardigan ko dahil hindi pa rin ako matigil-tigil sa pag-iyak.

I can't even look at my phone properly because my vision is blurry.

"Are you alright?"

Tiningala ko ang nakatayo sa aking harapan. Ah, it's William.

Umiling ako pero hindi nagpaliwanag. There was a long pause before he talked again.

"Here." Isang panyo ang inabot niya sa akin.

"Malinis 'yan. Hindi ko pa ginamit," dagdag niya nang titigan ko lang iyon. I gave him a weak smile. This scenario seem familiar.

"Thanks." Kinuha ko ang panyo at ginamit para punasan ang mukha ko. I know I'm a mess right now but it doesn't really matter. Even if it's in front of this guy.

WHEN IT'S LOVEWhere stories live. Discover now