Chapter 2

12.9K 159 18
                                    

Ginala ko ng tingin ang kabuoan ng  library

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ginala ko ng tingin ang kabuoan ng  library. Hindi ko alam kung karaniwan ba talagang walang tao rito o dahil baka may club activities lang kaya ang librarian lang namin ang nandito.

It's eerie. That maybe behind these bookshelves, something will pop out. I'm not really fond of horror and ghost stories. Dati ay nagbabasa pa talaga ako ng mga ganoon pero nang dumating sa point na parang lagi na akong natatakot, ihininto ko.

"Rae Anne Mendez and William Jasper Mercado?" tanong ni Ms. Cruz, ang librarian habang tinitingnan ang aming Behavior Slip at ang isang listahan na mukhang galing sa security guard.

"Yes po," sabay naming sagot ni William.

"You'll be returning books to their respective shelves. I'll be at the Faculty Room for the meeting and will be back after an hour or so." Tumayo si Ms. Cruz mula sa kanyang desk at itinuro ang dalawang book carts na puno ng libro.

Pagkaraan ng ilan pang instructions ay umalis na siya.

"Bakit ang ginaw dito?" bulong ko kay William. I had to tiptoe. Masyado kasing matangkad itong si William Jasper. I think he's about 5'11".

"You're too...close." Lumayo siya mula sa akin at lumapit sa book carts. Pasimple pa rin akong lumapit sa kanya dahil napa-paranoid na ako!

"Tig-isa tayo?" sabi niya habang binubuklat ang librong nasa pinakatuktok ng cart.

"Puwede bang sabay na lang tayong umikot?" pakiusap ko.

Tiningnan niya lang ako noong una. 'Yung tipong parang sinusubukan niyang basahin ang nasa isip ko.

"All right," he said after a while. Nakahinga tuloy ako nang maluwag. Pinagtulungan naming itulak ang unang cart.

Dahil masyadong mataas ang ibang shelves ay naging tiga-abot lang ako ng libro. Paminsan-minsan ay napapatitig ako sa mahahabang pilik-mata niya. Kailan ba nang huling matitigan ko siya nang ganito kalapit at katagal?

Hmmm...

"Next?" tawag-pansin niya sa akin. Agad kong dinampot ang susunod na libro at nag-iwas ng tingin. I had to remind myself to stop gawking!

We moved from aisle to aisle. Karaniwa'y ako ang nagsasalita. Satisfied na rin naman ako sa mga tipid na sagot niya dahil nasanay na ako.

"Iihi lang ako," sabi niya sa akin nang mangalahati na namin ang last cart.

"Bilisan mo." Kinapalan ko na talaga ang mukha ko.

"Gusto mo bang sumama?" tanong niya tuloy. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o hindi. I can't really discern from his consistent flat affect.

"H-hindi na. Hihintayin kita sa may pinto," nakangising sagot ko.

"Alright."

WHEN IT'S LOVEWhere stories live. Discover now