Chapter 40

6.4K 97 12
                                    

I was beyond nervous but I think I did well when our guidance counselor talked to me

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I was beyond nervous but I think I did well when our guidance counselor talked to me. Ini-record nila ang interview at kagaya ng nabanggit kahapon, hiwalay kami ni Shane na kinausap. Nag-alala ako noong una dahil medyo pinaikot-ikot ng counselor ang usapan. Sa tingin ko'y naghahanap siya ng posibleng butas sa kuwento. In any case, everything really happened so fast yesterday that it's not supposed to be a long story to tell.

I hope Shane really did what we talked about. I'm not worried about William's part on this.

Oh you know, he's best at withholding things.

Saka lang nakapasok si Aira sa room nang matapos ang lahat. Mamaya ay makakalabas na kami ni Shane dito. My Dad's processing the bill while my mom is currently making calls related to work.

"Ang dami naman niyan!" komento ko nang makita ang tatlong box ng doughnuts.

"Si Kuya Jay at Kuya Allen bumili niyan! Ihinatid nila ako. Sisilip sana sila pero may pasok pa sila. Gusto mo na bang kumain? Baka na-stress ka sa interview?" paliwanag niya.

"Labas tayo," aya ko sa kanya. Hindi pa rin kasi niya alam kung ano ang nangyari at ang napagkasunduan namin ni Shane na gawin.

I debated whether to tell her the whole thing. Kapag mas kaunti ang may alam, mas mababa ang chance na lumabas ang sikreto. But I don't think she'll believe the made up story in the first place.

Dala ang isang box, pumunta kami sa hardin at nang makasigurong walang ibang tao, ikinuwento ko sa kanya ang nangyari simula nang lumabas ako sa club room hanggang sa sagutan namin ni Shane sa pool building. She listened intently.

"Maniniwala kaya sila?" tanong ko nang matapos ako.

"Sa tingin ko bebenta. Ako nga halos mapaniwala kung wala ka pang disclaimer sa una. Shane's been in a bad shape lately at marami naman yatang nakahalata. May kumakalat nga agad na baka binalak niya talagang magpalunod dahil sobrang baba ang ibinagsak ng rank niya. Ang nakakaloka, may mga nag-hashtag pa sa Facebook ng #PrayForRaeAndShane kaya may nag-akala na namatay kayo! Si Monique iyak ng iyak kagabi noong mag-usap kami sa phone."

"Shit, hindi nga? Grabe naman!"

"O, nagmumura?" nakangising puna niya.

"Si William ba ang nagtawag ng tulong?" tanong ko sa wakas.

"Oo. Bigla siyang pumasok sa club room at pinaghahatak si Rus habang sumisigaw. Ayon, sumunod na kaming lahat nang marinig namin na "someone's drowning". He really saw the whole thing? Hindi ba marunong lumangoy si William?"

"I have no idea. Nagulat nga din ako sa sarili ko. You know I don't swim that well. Kung nagkamali ako, baka sa ibang parte ng ospital ang bagsak namin ni Shane."

"Huwag ka namang magsabi ng ganyan!"

"Sorry po. Ah, I have a new phone. Can we talk to Monique? Baka stressed na ang lola mo dahil hindi niya ako ma-contact," pag-iiba ko.

WHEN IT'S LOVEWhere stories live. Discover now