Chapter 37

7.1K 114 14
                                    

Pasukan na at ngayon ko na ulit dapat makikita si William

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pasukan na at ngayon ko na ulit dapat makikita si William. Kaso lang ay patapos na ang flag ceremony pero wala pa rin siya. Kadalasan naman ay maaga siyang pumapasok. Wala rin siyang nabanggit kagabi na aabsent siya. In fact, he hasn't texted this morning yet.

Habang nagsisimula ang announcements ay sinilip ko ang aking phone. Wala pa rin talaga!

Itatanong ko na lang kay Rus mamaya.

Isa-isa nang tinawag ang mga athletes na nanalo sa Inter-high para magawaran ng medals. Sunod ay ang mga top students per class naman ang bibigyan ng certificates. It's not surprising that William got one. He's not here to receive it though. Also, Shane went from second to eight. Kitang-kita ko ang frustration sa mukha niya. When our eyes met, I looked away first.

Bago kami pumasok sa room ay nilingon ko ang linya ng class nila. He's still not here! I tried to catch Rus' attention but he didn't notice me. Kahit nga noong recess ay hindi ko siya mahagilap. Akala ko magkasama sila ni Aira pero naabutan ko ang kaibigan ko sa classroom nila na nakikipagkuwentuhan sa mga kaklase niya. She said she'll just talk to me later.

There's something wrong with the atmosphere today.

Hindi ako mapakali kaya halos 'di rin ako naka-concentrate sa klase. Mabuti na lang at walang pang quizzes.

During lunch, I managed to catch Rus before he could exit the classroom.

"What's up?" he asked.

"Hindi yata papasok si William. May sakit kaya siya?" tanong ko kaagad. Nakisabay ako sa kanya sa paglalakad. Mukhang sa cafeteria ang tungo namin.

"I have no idea. I'll ask Seph later. Kakain na ako. Sasabay ka ba?"

"Hindi ba kayo magsasabay ni Aira?"

"Nah."

"Anong nah? Nag-away ba kayo?"

He shrugged his shoulders. "Hindi kasi ako nakasipot sa lakad namin noong break. Kahapon pa niya ako hindi kinakausap. It'll be fine. Oo nga pala, wala naman siguro kayong ginawang kababalaghan sa bahay ko?"

"Wala 'no!" Sinuntok ko siya sa braso.

"I have CCTV. I'll know." Kinindatan niya ako.

I think William knew that. But I tried to recall quickly if we did anything that intimate in that house. Nope, we didn't!

"Kain na ako." Umalis siya't lumapit sa isang grupo ng boys ng klase namin.

May mali talaga.

Bumili ako ng dalawang sandwich at saka tumungo sa classroom nina Aira. She wasn't there though so I went to the range next. That's where I found her.

Nakatayo lang siya at diretso ang tingin sa target boards.

"Huwag kang magpagutom." Inabot ko sa kanya ang binili kong snack.

WHEN IT'S LOVEWhere stories live. Discover now