Chapter 10

8.3K 118 23
                                    

Medyo lutang ako ngayong umaga dahil napuyat ako sa kaka-finalize ng aking Advanced Research write up

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

Medyo lutang ako ngayong umaga dahil napuyat ako sa kaka-finalize ng aking Advanced Research write up. Tuloy ay hindi ako fully concentrated sa mga announcements pagkatapos ng flag ceremony.

"Rae, tinawag ang pangalan mo," kalabit ni Angel na nasa likuran ko.

"Ha?" I raised my head and realized everyone from my class is looking at me.

"Second place ka sa English Feature writing," sagot ni Angel.

"Ms. Mendez, please come forward?" anunsiyo ni Ms. Ocampo.

Is this for real?! Pagpunta ko sa harapan ay inabutan ako ng certificate. Sumama ako sa nakahilerang mga estyudante. Nasa pinakadulo si William at mukhang siya ang first place sa English News writing.

As expected, si Shane ang first place sa category namin. But wow, second place ako?! How did this even happen?

Narinig ko ang pagsigaw nina Aira at Rus sa pangalan ko.

"Congrats," bati ni Shane nang makatabi siya sa akin.

"Ikaw rin," balik ko agad.

Nang makumpleto kami ay nagpalakpakan ang lahat. Sumunod namang inanunsiyo ng isa sa mga P.E. teacher namin ang mga final athletes na sasali sa Interschool Sports Meet. It was my turn to cheer when Aira and Rus were both mentioned.

"May talent ka pala sa pagsusulat."

"Anong isinulat mo."

"Patulong naman sa essay project natin."

Ilan lang 'yan sa mga pinagsasabi ng mga classmates ko. Aira also texted with 'Proud of you!' samantalang sumabay naman si Rus sa tapat ko nang pabalik na kami sa classroom para sabihing, "Write on!"

I'm so flattered! Grabe sila!

***

After a grueling day of quizzes and lessons, our Filipino group gathered to finalize our reporting tomorrow. Next week na ang exams na namin kaya patong-patong ang long quizes at projects.

"Mali ito!" turo ni Shane sa ginawa ni Carlo.

"Bakit siya sumisigaw?" Rus muttered.

"Dapat mas malaki pa ang font nito. Guys, ayusin niyo naman," dagdag pa ni Shane. Mukhang may mga naiinis na sa kanya. Medyo naiirita rin ako pero hindi ko ito ipinahalata.

Hindi lang siya ang stressed dito!

It took us three hours to finish the final output because Shane kept on asking for changes. Seryosong kamuntikan nang mag-walk out si Rus kanina pero pinigilan ko siya.

"Rae, may meeting sa Friday for the school paper," lapit ni Shane sa akin nang mag-uwian na.

"Thanks," maiksing sagot ko. Pagod na talaga ako.

"Puwede mo ba akong samahan sa C.R.?" pakiusap niya.

"Sige, tara." I can't just shun her.

"Hihintayin kita dito," sabi ni Rus nang madaanan namin siya sa may mga lockers. Nag-thumbs up ako sa kanya.

Wala naman kaming usapan ni Rus pero baka kasi kapag nagtagal kami ni Shane sa harap niya ay baka mag-away sila.

"Nililigawan ka rin ba ni Rus? Silang dalawa ni William?" tanong bigla ni Shane nang marating namin ang comfort room.

"Hindi," kalmadong sagot ko kahit na parang nakakainsulto ang sinabi niya. Bakit parang sa amin niya ibinabaling ang stress niya?!

Dumiretso ako sa isang cubicle para umihi samantalang mukhang nagsalamin lang siya. Ganoon na lang ang gulat ko nang lumabas ako't nakita siyang humahagulhol habang naghihilamos. Hala!

"Bakit?" Hinagod ko ang likuran niya.

"I'm just really exhausted..."

"Kaya nating lahat 'to!" I'm not even sure if it's okay to say that.

She won't stop crying! Natagalan yata si Rus sa amin kaya't pumunta siya rito.

"Napaano 'yan?" tanong niya mula sa pintuan. Nagkibit-balikat ako.

"Mauna na kayo, Rae. Parating na ang sundo ko... I'm okay now. Thanks again," pilit siyang ngumiti.

"Sasamahan kita hanggang sa dumating ang sundo mo," alok ko.

Hindi siya tumanggi. Umakyat kaming tatlo nina Rus hanggang sa school gate. We were all silent and it was so awkward.

Pagkaraan ng limang minuto ay dumating ang sasakyan ng Dad niya. Kinapalan na lang ni Shane ang kanyang make-up para 'di mapansin ang pamamaga ng kanyang mata.

"What was that?" tanong ni Rus sa akin. Naglalakad na kami papuntang sakayan.

"Stressed yata."

"Are you sure it's not some sort of an act?"

"You really resent her, don't you? May past incident ba?"

"I just feel like she's very pretentious. Aira asked me to keep an eye on you so that's what I'm doing."

"Ayaw rin ni Aira kay Shane?"

"Hindi naman pero kahit ako magtataka kung bakit bigla na lang siyang sumasama sa inyo kahit na ang dami naman niyang 'friends' sa school." Nag-air quotes pa talaga siya sa salitang, friends.

"Sabagay. Pero may hinala ako."

"What is it?"

"Secret." Hindi ko sinabi sa kanya kahit anong pilit niya. Siguro'y dahil wala ako sa lugar na sabihin sa kanya. O 'di kaya ay dahil ayaw ko mismo sa kung ano ang nasa isip ko ngayon.

God, I don't understand myself. This isn't the time to be confused again!

***

Napuna ko agad si Neil na nakaupo sa waiting shed nang makapasok ako sa village. He looks sullen so I hesitated to talk to him. Nang mag-angat siya ng tingin ay napansin niya akong nakatayo malapit sa kanya.

"Ikaw pala. Ngayon ka palang uuwi?" Lumapit siya sa akin.

"Gumawa kasi kami ng project. Ikaw? Bakit nakaupo ka lang diyan?" lakas loob na tanong ko.

"Masyado bang halata na gloomy ako?" He puffed his cheeks. It didn't look cheerful enough.

"May...problema ka ba?"

"Nag-away na naman kami ng... Ate ko. No big deal. She's just really hard to deal with sometimes. Malapit na ang exams ninyo, right?"

"Ah. Oo. At tapos na sa inyo, 'di ba?" tugon ko sa tanong niya.

Hindi kami nagmadali sa paglalakad. Naramdaman ko rin kasi na mukhang kailangan niya ng kausap. I tried to lighten the mood pero mukhang mabigat talaga ang problema niya.

Ihinatid niya ako hanggang sa tapat ng bahay namin.

"Ingat ha?" tawag ko sa kanya.

"Ang totoo niyan..."

"Hmm?"

"No, next time na lang. Pasok ka na. It's getting late. Thanks, Rae."

Pilit na pilit ang ngiti niya. Gusto kong sabihin na nandito lang ako kapag kailangan niya ng shoulder to lean on. I admit that I'm attracted to him but more than that, we are friends. The problem is, I think he doesn't want to tell me anything. Yet.

---

WHEN IT'S LOVEHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin