Chapter 16

7.2K 104 9
                                    

THREE SCHOOL YEARS AGO, SummerPart 3

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THREE SCHOOL YEARS AGO, Summer
Part 3

Hindi ko maiwasang maging sentimental habang pinapanood ang masiglang classroom namin. Summer break is almost over and we're just back because we have to clear our lockers and clean our classrooms.

In two weeks, we'll all be back but won't be all in the same class anymore. That's unavoidable, of course. Kaso sana maging kaklase ko ulit si Aira. Noong grade school, marami akong kaibigan pero hindi ko matatawag na best friend. We still contact each other through Facebook and such but we're all really scattered now. 'Yong isa nga nasa USA na.

"You're in the way."

"Sorry po, kamahalan." I moved away and gave him a welcome gesture. 'Yong parang ginagawa ba ng mga butlers.

Alam kong si William iyon. Pagkalingon nga lang ay nagulat ako dahil mas tumangkad pa siya. Napag-iiwanan na ang ibang boys sa grade namin! Isa pa, naka-casual clothes kaming lahat. Simpleng black shirt at grey jeans ang porma niya at mahaba konti ang buhok niya kaysa sa nakasanayan ko.

Bad boy look! He's owning it, huh?

"Tss." Iyon lang ang narinig ko mula sa kanya. I grinned and followed. Tumabi ako kay Aira habang si William ay sa likuran ko naupo. 

I'm reminded once again that next month, when I look back, he'll no longer be there. It's kinda making me sad...

Nasa harapan na si Gale at Xander. Silang dalawa ang magfa-facilitate sa activity naming araw. Maglilinis ng lockers, return books to the library, magtatanggal ng class decorations, magtanim sa garden, etc.

"May jet lag ka?" tanong ni Aira habang hindi pa umaabot sa amin ang count off. Bigla akong naging aware na pumipintig nga pala ang sentido ko. The pain was masked earlier because I was thinking about something.

"Siguro. Or baka it's the heat. It's spring there pero dito, ugh..." I slapped my cheeks lightly.

"Cancel na lang natin 'yong lakad natin mamaya para makapagpahinga ka." Ai gave my head a pat.

"Meow. Thanks, Ayra-nyan. I feel better already."

"Bakit ang cute mo, Rae-nyan?" She pinched my cheeks.

I really missed her. We've been talking all break about random things. Hindi siya nagbakasyon. Instead, iginugol niya ang kanyang oras sa practice. I seriously admire her tenacity!

Just then, we heard someone scoff.

Pareho naming nilingon si William, na ngayo'y nakatingin sa harapan at parang bored na bored. But we're sure he was the one who made that sound! His seatmate Ashley is currently with friends few rows over that's why he's the only one behind us.

"Ikaw ba 'yon, William-nyan?" Simula ni Aira. Pinipigilan ko nang matawa.

"Ang alin?" He stayed composed.

WHEN IT'S LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon