Chapter 20

7.7K 117 14
                                    

Present Day

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Present Day

Pagkatapos ng klase ay umalis ako kaagad ng school. Hindi ko pa kayang harapin si William. We're supposed to plan Rus' surprise birthday pero sa tingin ko'y hindi ko na kayang umakto ng normal sa harapan niya. I've been keeping it in all this time and now, it's all pouring out.

Nag-text na lang ako sa kanya na masama ang pakiramdam ko at na si Aira na lang ang kausapin niya para sa plinaplano niya. I'll have to talk to my best friend soon.

Dahil hindi pa naman talaga ako nauuwi, lalo na't wala namang tao sa bahay, napagdesisyunan kong gamitin ang ibinigay ni Rus na coupons.

Nojo, the ramen shop, is spacious but quite full when I reached it.

Pagkatingin pa lang sa menu ay naglalaway na ako. 'Yong mga discounted sa coupons ay mga specials nila kaya tiba-tiba ako! I ordered a combo meal and as soon as it got delivered to me, I ate like a hungry savage. May 'no lunch' pa kasi akong nalalaman.

Nasa kalagitnaan ako ng paghihigop sa sabaw nang may kumatok sa glass window na nasa tabi ko lang.

Kamuntikan kong mahulog ang bowl nang makita ko si William na nakatayo sa labas at nakangisi.

Shit! Hindi ko ba talaga siya maiiwasan ngayong araw?! Gaano ba kaliit ang siyudad namin para magkita kami dito at sa oras na ito pa?!

Alanganin akong ngumiti bago siya sinenyasan na pumasok dito sa loob. Kung bigla kasi akong tumakbo palayo ay baka mas makahalata siya.

He came in and sat in front of me.

"So, you were just hungry?" He said teasingly.

"Ha-ha. Gusto mo?" alok ko pero wala ng laman ang lahat ng pinggan sa table. Inilabas ko agad ang coupons at inabot ito sa kanya. "Mamili ka," sabi ko pa.

"Hindi na. Ikaw, baka gusto mo pang kumain?" It looked like he's biting the inside of his cheek just to stop him from laughing!

Those reactions— does he show them to other girls, too? To...Shane?

"Mukhang masarap 'yung special nilang cake," turo ko sa promo na nakapaskil sa menu board para lang makaiwas sa tingin niya.

"Peanut butter cake? Allergic ka sa—" Napahinto siya.

"Nabanggit ko na rin ba 'yan dati?" tanong ko.

"Maybe." Pasadya siyang tumikhim bago tumayo.

"Kung tapos ka na, halika na sa labas. The building next door is our music studio. Want a tour?" aya niya.

Ayaw kong bigyan ng malalim na kahulugan ang lahat dahil baka lalo akong maguluhan pero bakit iba ang trato niya sa akin kumpara sa iba? I was always watching him closely so I know for a fact that he ignores the other girls, even boys, who want to be close to him.

WHEN IT'S LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon