Chapter 8

7.9K 116 8
                                    

Bukas ang canteen namin ng half day tuwing Sabado at doon ako dumiretso para bumili ng canned coffee

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Bukas ang canteen namin ng half day tuwing Sabado at doon ako dumiretso para bumili ng canned coffee. Namumula ang mga mata ko at ganoon din ang kay Rus na kakatabi lang sa akin.

"Nakita ko si Aira sa park kanina," sabi niya.

Sus, baka naman pinag-usapan talaga nilang magkikita sila doon? Aira tends to get shy when I ask her about Rus. Tumitikom ang bibig niya at senyales yata talaga 'yon na gusto niya nga itong kasama ko ngayon.

In contrast, I just tell Aira stories about Neil. But not of what I actually feel towards him. Ang totoo niyan, hindi ko rin sigurado.

"Good, may magbubuhat ulit sa'yo kapag hinimatay ka," pang-aasar ko.

"Tsk, I don't know what you're talking about," defensive na sagot niya.

"We still can't laugh about that?" nakangising gatong ko.

"No." Kumunot ang noo niya at mukhang namumula. Heh, okay, I'll drop it.

"So, paano mag-date ang mga athletes?" I asked instead.

"Date? It's not like that. Pero kanina, we had a 100m-dash. I lost. Ah, ikaw lang ba talaga ang kaibigan niya dito sa school?"

"Bakit biglang interesado ka?" I winked at him in a teasing way.

"Just curious."

"Hindi naman sa ako lang pero kami ang pinaka-close. Parang kayo ni William. Ikaw lang din naman ang nakikita kong kausap at kasama niya."

"I guess. Aside from you two."

"Friends... How do we know if we're one? Or more than that?" I asked, mostly to myself.

"Huh? More than friends kayo ni William?" he teased.

"Hoy, hindi! I mean, he talks to us more than the others."

"Obviously."

"Meaning?"

"Meaning it's time to go. Baka pumutok ang bulkan."

He was for sure referring to Shane.

Habang nagsasabay kaming papunta sa classroom ay napapasulyap ako kay Rus. I really wanted to know what he meant. But I decided not to ask.

***

Wala kaming sinayang na oras. Itinalaga agad ni Shane ang dapat naming gawin kabilang na ang mga parte namin sa reporting. Hindi na ako nagtaka na natapos namin ang karamihan by around eleven in the morning.

"Nagpa-practice ba si Aira?" tanong ni Shane. Inililigpit na namin ang aming mga gamit.

"Oo, nasa range na siya. Gusto mo bang sumilip?"

"Sige ba!" excited na sagot niya.

I can hear Rus grunting behind us. Hindi na talaga niya itinagong ayaw niya kay Shane. He won't tell me why though.

After we wrapped up, Rus, Shane, and I walked to the gym. Akala ko nga ay mauuna si Rus pero tahimik lang naman siyang sumabay.

"May ginawa ba ako sa lalaking 'yon?" iritadong tanong ni Shane. Sa range na ang tungo namin. Malayo palang ay tanaw ko na si Aira kasama ng ibang archers.

"Baka may period," biro ko.

"That explains it! Such a girl!" natatawang sabi niya saka nagpatuloy. "But seriously, kaya lang naman ako naging strict para matapos tayo agad at hindi mag-cram."

"True," tipid na sagot ko. It was more of an expression than a confirmation. Ayaw ko kasing magkumento patungkol kay Rus. Isa pa, I tend to cram at times, too.

Nailang ako ng kaunti.

Nandoon ang coach nina Aira kaya nanood lang kami ni Shane. We talked about anything under the sun and thankfully, she didn't mention Rus again. By lunchtime ay tapos na ang practice ng archery team.

***

Alas-sinco pa tutugtog ang mga banda sa remodeled na Tangent kaya't dumaan muna kami sa mall. Bibili rin kasi si Aira ng bagong trainers. And yes, sumama rin si Shane.

"Isasama ba natin siya sa Tangent?" pasimpleng tanong ko kay Aira nang mag-CR si Shane.

"Tingnan natin mamaya," sagot niya. Mukhang pareho kami ng iniisip ngayon. It's a bit weird that Shane was suddenly hanging out with us.

"Ikaw na ang magdesisyon ha?" pakiusap ko. She nodded.

Pagkatapos mamili ay dumaan kami sa McDo para kumain. I think that Shane's not that bad. Kaso'y pakiramdam ko, she's trying too hard. Why is that?

"May naisip na ba kayong costume para sa Halloween?" tanong ni Shane.

"I got dibs on Katniss Everdeen," ani Aira.

"Something steampunk," sagot ko naman. Ang totoo niyan ay noong summer pa namin naplano ni Aira ang aming customes!

"Ano kaya ang bagay sa akin? Tulungan niyo naman ako," sabi ni Shane. Pareho kaming nagbigay ni Aira ng suhestiyon mula sa Cinderella, Barbie, Red Riding Hood at kung anu-ano pa. Tawa kami nang tawa kahit sa mga pinakasimpleng bagay.

"Thanks for hanging out with me. I really like both of you!" Umakbay si Shane sa amin bago kami makapasok sa department store.

"Emo mo ha?" biro ni Aira. Tinawanan lang 'yon ni Shane.

"Alam niyo bang hindi naman ako gumagala tuwing weekends or after school? Palagi akong dumidiretso sa bahay. My parents expect a lot from me. Nakaka-stress ang pressure and I'm on the verge of breaking down. Kaya, thank you. I'm having a lot of fun." Lumungkot ang tono ni Shane.

"Paano 'yan? Baka hindi ka payagang magka-boyfriend," tudyo ni Aira. Loko talaga 'to!

"Baka kapag thirty years old na ako!" sagot naman ni Shane.

I guess Shane is a bit misunderstood. Naiintindihan ko na kung bakit istrikto siya pagdating sa requirements.

My phone buzzed and it's Neil texting that I should be at Tangent later. I replied that I surely will.

"Para kang baliw," puna ni Aira. Nakangisi kasi ako sa sulok. Babanggitin ko sana ang MU nila ni Rus pero may iba kasi kaming kasama.

"Anong meron?" tanong tuloy ni Shane.

"Nag-text 'yung crush ko!" pabirong sabi ko.

"Talaga? Sino 'yan? Share!" Sinundot ni Shane ang tagiliran ko. I ended up telling her some things about Neil. Kampante ako dahil hindi naman namin schoolmate.

We ended up inviting Shane to Tangent with us. Mukhang kailangan din talaga niyang mag-de-stress.

---

WHEN IT'S LOVEWhere stories live. Discover now