PROLOGUE

4.4K 202 67
                                    

Hindi ako mapakali.. palakad lakad ako sa loob ng kwartong to.. anong gagawin ko.. shit ano ba.. kinakabahan ako.. naiihi ako!!

"Sangria, ten minutes." silip ng isang babaeng may katungkulan sa lugar na to.

Sumilip din ako at takteng yan. Naiihi na talaga ako!!

"Sangria!" bukas ng pinto at bumungad ang Tiyuhin ko.

"Tito!" lapit ko dito. "Hindi ko kaya!! HINDI KO KAYA!! WALA AKONG TALENT! I CANT SING, DANCE, PAINT NOR PLAY ANY MUSICAL INSTRUMENT!" yugyog ko sa kanya.

Yes guys, ito ang ikina-iihi ko. Kailangan ko kasing magpakita ng entertainment!

Bakit? Kung naaalala nyo! Rule number 6! ENTERTAIN HIS HIGHNESS BY ALL MEANS. A Concubine shall do anything that will keep His Highness occupied and happy! Kailangan kong pasayahin ang walang hiyang "His Highness!"

"Sangria naman! Ang hirap nung pinasok kita dito! Mag-isip ka na lang ng paraan! Sure may talent ka na wala ang iba!" hawak nya sa balikat ko para pakalmahin ako.

"O sige ganito na lang." pitik nya. "Isipin mo ang uuwian mo pag di mo naayos to. Gusto mo bang bawiin ang magandang buhay na binigay ng Royalty sayo? Heck, wala ka pa ngang napapatunayan, nalibre na ang pabahay at pag-aaral nyong magkakapatid." paliwanag nya kaya napakagat ako sa labi.

Tama sya. I cannot lose the fortune our family gained.

How did my Family gained fortune? Its because I became a Concubine.

Ano yung Concubine? In definition, it is depicted as being a mistress, whore at nakikisiksik sa may asawa. But in this world and era, Concubines are looked up to.

Its like this, to be a Concubine means you must be pretty, talented and the best with everything. Kukunin ka ng Royalty para gawing accompany or entertainment para sa tinatawag nilang "His Highness".

So in short, titingalain ka talaga. A lot will idolize you!

Pero minsan di ko magets. You're the best and yet entertainment ka lang ng Royalty? Anong magiging future mo lalo na sa lintek na 8 Rules na inimbento nila!

Aanhin mo ang pagiging perfect kung nakakulong ka at walang kalayaan hindi ba? Anyways, ganito ako ka-OA magreact dahil iba ang kaso ko.

The Royalty didn't took me as a Concubine. Talagang hindi nila ako kukunin. Eh paano. Tamad ako sa lahat ng bagay! Madalas nga kong magdahilan ng may Regla o Dysmenorrhea pag may Physical Education class eh. Kasi ayokong tumayo! So in short, WALA AKONG NAGING TALENT DAHIL SA KATAMARAN!!

Pagiging maganda lang puhunan ko. Chos!

Going back, itong Tito kong to na may katungkulan sa Royal House ay ang nagpasok sa akin at sapilitan akong ginawang Concubine!

Yes! Sapilitan dahil walang wala na kaming pamilya! Dahil sa edad at experience ko, ito lang ang naisip naming paraan para makakain at magkaroon ng bubong na masisilungan.

How so? Cause to be a Concubine is to be rich. Pag nakapasok ka sa Royal House, libre na ang lahat sayo at sa pamilya mo. You will have slaves and glamour. Yun nga lang, nakakulong ka at nakatali sa His Highness na may asawa. Oo may asawa na sya so pampalipas oras ka lang talaga!!

But to tell you a secret, hindi nga ko kinuha ng Royalty, illegal akong pinasok ng tito ko at patay ako kung may makatuklas nito! Dinaya nya ang mga dokumento ko!!

8 RULES OF A CONCUBINE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon