Chapter 44: The Wedding

1.5K 58 56
                                    

SANGRIA

Patuloy pa rin ang pagtitig ni Tedros sa akin.

Ni hindi ko alam kung anong nasa utak nya pero pakiramdam ko nagaantay sya ng sagot mula sa akin.

Hindi ako sumagot at sa halip nakipagtitigan lang din sa kanya. Bahala sya. Di ako magbibigay ng kahit ano. Ano sya? Sinuswerte? Ganon ganon na lang tapos ng mga pinaggagawa nya?!

Hindi lang yun, patuloy lang sa pagsasalita ang kausap nya sa kabilang linya ngunit wala ng pumapansin.

"Sige na Sangre, say yes." siko ni Ate Eups sa akin ngunit tinaga ko na sa sarili ko na di ako bibigay. Bahala sila. Manigas ang paasa nyang anak!

"Hoy! May kausap pa ba ko dito?" hiyaw ng kausap ni Tedros sa kabilang linya kaya nabaling ang atensyon namin pabalik sa kanya.

"Anyway Teddy, I'll fax you the said profiles right now. Make sure to make passports and marriage certificates out of these names, okay?"

Lumipas ang ilang minuto at may lumabas na papel sa fax machine.

Then Tedros' face automatically shifted to something like "Are you fcking kidding me?" after reading the paper.

"Hey Hector." sipat nya sa kausap. "Niloloko mo ba kami? Hayop ka! Jack and Rose?! Mukha bang sasakay kami ng Titanic?! Gusto mo bang ikaw ang ilubog ko kasama ang Titanic?!"

Hindi sinasadyang nasamid ang Lola ni Tedros sa mga narinig.

"No Teddy! Im serious!" apela ng kausap nito.

Tedros passed the paper to his Grandma, to Ate Eups after and to me.

I read the names and the couple are named Jack Ludwig Sanford and Rose Minette Sanford. Now, my face shifted to a resting bitch face. So totoo nga. Ano to?! Titanic?! Jack and Rose?!

"Di ako nagjojoke Ted! I swear! Mag jjoke pa ba ko eh alanganin na ang mga buhay nyo?!"

"Kaya nga eh, leche ka, wala na bang ibang pangalan? Parang pinagttripan kami nito eh." ani Tedros.

"Well the other missing couples have pictures on them. Yang dalawang yan, wala, so those are the safer ones."

"Malamang lumubog na sila kasama ang Titanic." di sinasadyang bulong ko kaya napatingin ang lahat sa akin.

"Hey joke lang." bawi ko kaya nailing ang Lola ni Tedros sa akin.

"Fck. Fine." suko ni Tedros sa kausap.

"Great. Then I'll just have to prepare your place here when you arrive."

"I dont care, just look for a secluded place with not so many people." paalala ni Tedros.

"Ah! Right! Glad you said that. Balak ko pa naman kayo hanapan ng matutuluyan malapit dito sa palasyo."

"Good thing I know youre stupid right?" huling pahayag ni Tedros sabay baba ng telepono.

"So where do we start?" baling agad ni Tedros sa amin.

"Ah! I'll prepare your passports now!" Tedros' grandmother volunteered.

"And I'll prepare the bride!!" palakpak naman ni Ate Eups sa gilid ko.

"Oy anong bride?!" hiyaw ko.

"Halika na Sangre, I have an elegant white dress that will really suit you!"

"T-Teka!"

8 RULES OF A CONCUBINE Where stories live. Discover now