Chapter 20: Borgunia's King

2K 133 149
                                    

SANGRIA


"Homayghad." tanging naging bulong ko sa sarili ko.

Magkakalahating oras na ko dito sa loob ng kubeta. Di ako makalabas labas sa dalawang kadahilanan. Una, sa sama ng tiyan. Pag akala kong okay na ang bowel movements ko, biglang hihilab nanaman ang tiyan ko at mapapabalik ako sa inidoro! Pasintabi! No offense! At pangalawa, wala akong mukhang maiharap kay Ate Eups!! Fudge it! Nakakahiya!

Surebol, sasabihin nya ang lahat kay Tedros!! Pramis! Maglalaslas talaga ako pag ginawa nya yun!! Mumultuhin ko sya!

"Ah alam ko na!" tayo ko sa inidoro.

"Escape route! I need to find an escape route!"

Inikot ko ang mga mata ko sa buong kubeta ngunit tanging itong inidoro lang ang nakikita ko! Fck! Alangang iflush ko ang sarili ko diba?!

Napaupo na lang ako sa inidoro dahil sa stress. Fck it! Fck!!

"Sangria? Iha? Kamusta ang pakiramdam mo?" katok ni Ate Eups sa pinto.

"Fudge!" takip ko sa bibig ko. Hindi pa rin ako makapagsalita dahil sa kahihiyan!! Ano ba naman kasi yung pinagsasabi ko kanina?!

"Sangre, anak? Pag hindi ka pa sumagot ipapatadyak ko na kay Tedros tong pinto. Sige ka."

Ipapatadyak?! Hell! No fcking way! Dali dali akong tumayo sa inidoro para buksan ang pinto.

"Okay na ko Mommy!" sigaw ko pagkabukas.

"Sht!" takip ko nanaman sa bibig ko. Natawag ko nanaman syang Mommy! Bakit ba walang kontrol tong bunganga ko!

Mahinang napatawa ang nanay ni Tedros sa katangahan ko. Gayunpaman, lumapit sya sa akin at hinawakan ang noo ko.

"Saan ang masakit?"

"Uhh.."

"Do you have an allergy in seafoods?"

"Wala Mommy-- este Ate! Wala po!"

"Hmm?" kunot ng noo nya. "Then what happened to you?"

"Ayos lang po talaga ako. Please wag nyo kong intindihin."

Sumimangot sya kaya nailing ako. Shoot! Gaya kay Tedros, ayoko ding nakikitang malungkot sya!

"Ang totoo Ate, sa gatas po. Lactose intolerant po kasi ako." amin ko sa wakas.

"What?! Dapat di mo ininom!" taranta nya.

"Okay lang Mommy- este Ate! Simpleng diarrhea lang kaysa tumanggi ako sa binigay nyo!"

"Kahit na.." nguso nya at bagsak ng balikat. "Ah! Alam ko na! Ikukuha kita ng gamot!"

Tumalikod na sya para tumungo sa pinto bago pa ko makapagsalita.

"Nga pala Sangria." lingon nya sa akin.

"Po?"

"Our secret will remain a secret, dont worry." pahayag nya kaya ramdam kong namula ang mukha ko. Ba yan! Di makamove on?!

"Ate kalimutan mo na yun pleeaasssee! Joke lang yun!"

"It doesnt seem like youre joking that time. Youre crazy over Tedros! And I dont why, I was stoked! Its like Im in High School again! Kinikilig ako!" halos tili nya kaya napatakbo ako sa kanya.


"Oy Ate!"

Tatakpan ko na sana ang bibig nya kaso naalala kong galing pala akong kubeta, so nevermind!

8 RULES OF A CONCUBINE Where stories live. Discover now