Chapter 39: General's Rescue

1.4K 70 58
                                    

TEDROS

"Hey Sangria, what the hell?" basa ko sa bibig ni Scott. 

Hinawakan nya si Sangria sa magkabilang balikat at binulungan.

Hindi ko sila naririnig ngunit nakatutok ako sa bawat buka ng mga bibig nila.

"Honey, what in the name of Satan are you saying?" pagpapatuloy pa ni Scott.

Sangria sighed and shook her head.

"Yun na yun, Scott. Pagod na ko, ayoko na." tugon ng babae. "Kung patayin edi patayin. Tapusin na lang natin to. Parang ayoko na rin namang mabuhay kung ganito rin lang."

Lumingon si Scott kay Ravan, Khalid at dalawang sundalong taga Borgunia. 

All the guys shook their heads and so did Scott.

Humawak na lang sya sa magkabilang pisngi ng babae pagkatapos.

"You dont feel well?" sambit ni Scott sabay lapat ng palad sa noo ni Sangre sa paraang nagkukumpirma ng temperatura nito.

"I knew it. Youre burning up with fever. Hey Gerald." baling ni Scott sa Royal Guard na nakatayo sa gilid. 

"Take Sangria to her room."

"Teka Scott!" apela ng babae. "Ayos lang ako! Alam ko ang sinasabi ko!"

"Just rest Sangre. And that is an order." may awtoridad na utos ni Scott kaya yumuko ang Royal Guard sa Hari at lumapit sa babae. 

"Tara na, Lady Sangre."

"Pero-"

"Hey Sangre!"

Hindi na nakapagpigil si Ravan at lumapit na rin kay Sangre.

"Alam mo ba kung gaano mo ko nasaktan kanina?" sitsit na bulong nito.

"Alam mo ba ang pinagsasabi mo?! Letting your execution happen?! Naisip mo lang ba ang hirap ko nun pumunta ako ng Borgunia para maghanap ng tulong?! Naisip mo rin lang ba ang mga magulang mo?! Sila Merlot at Chad?! Manong-"

Natigil si Ravan ng hawakan ni Scott sa balikat. 

"Dont scold her, she's not feeling well."

Bumuntong hininga nalang si Ravan para pakalmahin ang sarili at humawak sa noo ni Sangre. 

"May lagnat ka, no wonder youre saying crazy things."

"Pero Tito--"

"Mahal kita, Sangre." sabat ni Ravan sa pamangkin kaya natahimik ito. "Kaya wag na wag mo ng babanggitin ulit yun. Para mo na rin akong pinatay."

Nayuko na lang si Sangre sa sinabi ni Ravan kaya lumapit na ang Royal Guard.

"Halika na kasi Lady Sangre! Puro kayo kontra eh!" pahayag nito kaya wala ng nagawa ang babae kundi ang sumunod na lang. 

Lumabas na ang dalawa at agad na humarap si Scott sa Royal Council. 

This hearing is now adjourned. Please leave us. 

"Yes Your Royal Highness."

Yumuko ang Royal Council sa Hari at umalis. Now the only ones that are left are Scott, Ravan, Khalid and the two Borgunia soldiers. Wala pa ring nakakapansin na nakaupo ako sa pinakalikod.

"Sangria is not herself." bulong ni Scott kay Ravan. "She's getting tired and tired each day.. she's losing her will to live." 

Napahilamos na lang si Ravan sa mukha nya at umiling. "Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama kay Sangria. Kasalanan ko to."

8 RULES OF A CONCUBINE Where stories live. Discover now