Chapter 2: B*tches and A**hole

2.8K 157 46
                                    

SANGRIA

"Miss gising na."

"Fck off." bulong ko.

"Miss... Miss Sangria!"

"Ano ba." tabig ko sa kamay nya.

Seriously! Wala bang manners ang mga tao dito?! Nakitang natutulog yung tao eh! Bumalik na lang ako sa pagtulog ng biglang may humampas sa pwetan ko.

"Oy ano ba!" biglang bangon ko.

I looked at who did it and I saw a middle aged lady.

"Hoy Numero doce! Bangon na kundi papaluin kita ulit!" hiyaw nya kaya napabangon ako.

"Uy ito na! Ito na!"

Mapapabangon talaga ako. Ang tapang ng mukha nya noh. Kamukha nya si Ursula sa The Little Mermaid. Kulang na lang galamay!

"Hmp." lisik nya ng mata kay Eliza at labas sa kwarto ko.

"Hell, sino yun?" bulong ko kay Eliza na agad namang lumapit sa akin.

"Madam Miramora Miss, landlady of Concubine Mansion." bulong nya.

"Oh you mean Motherwhore of this brothel if you ask me." biro ko kaya nagulat si Eliza sa sinabi ko.

"Hey, Im just joking!" taas ko ng kamay ko sabay balik sa kama para ligpitin ito. Really, Im just kidding, aminado naman ako sa sarili ko. Bastos minsan ang bunganga ko pagdating sa joke.

"Ako nang gagawa nyan Miss." agaw ni Eliza sa kumot na tinitiklop ko. "At ito po pala ang schedule nyo." abot niya ng papel kasabay ang ibat iba pang libro.

"Fudge ano to?!"

"Uhh." tumabi si Eliza sa akin at tumuro sa papel na hawak ko. "Ito pong sa bandang itaas ay mga pang-umaga po. Tapos ng agahan mayron pong Music lessons, then painting lessons, then etiquette lessons, then dancing-"

"Oy oy!" atras ko sa kanya. "Dude, I didnt sign up for this! Masyadong maraming gagawin!"

"Pero ayan po ang trabaho nyo bilang concubine ng His Highness." nguso nya.

"Well tell His Highness to fck off."

"Pero Miss Sangria--"

"Breakfast in 20 minutes!!" rinig kong sigaw ni Maramara sa baba. Wait, or is it Moramora? Miramira? Hell, I dont care anymore.

"Miss Sangria please!" hawak ni Eliza sa kamay ko. I looked at her and something pinched my heart. Aww men. She looks like shes about to cry.

"Akala ko po mabait kayo, bakit nyo ko pinapahirapan ng ganito??"

"Pinapahirapan? No.. no.." iling ko. "Wag mo kong pansinin, problema ko to."

"Hawak ko po ang Numero Doce, lahat ng masita sa inyo, ako po ang mapupuruhan!"

"At bakit ikaw? Look Eliza... Ive been to school for a long time.. graduate na ko. Ayoko ng mag-aral ulit. Pupuntahan ko ang minister's apprentice, may sasabihin ako sa kanya."

"15 Minutes!!" sigaw nanaman ni Muramura kaya umikot na ang mga mata ko. "Eliza." hawak ko sa balikat nya. "Wag kang matakot okay?"

"Miss Sangria!!" kuha nya sa kamay ko at pisil. "Hindi nyo naiintindihan! Seryoso ako! Please gawin na lang po natin ang mga trabaho natin!!"

"Seryoso din ako! Theres been a mistake! I dont need this!" talikod ko ng bigla syang yumakap mula sa likuran ko at luhod.

"Miss! Sige na! Kahit itong agahan lang po, please!! Sumunod muna kayo!" paawa nya kaya binaba ko ang tingin sa mukha nya.

8 RULES OF A CONCUBINE Where stories live. Discover now