Chapter 22: Scott's Rule

2.2K 134 149
                                    

SANGRIA

"Miss.."

"Miss!"

"Miss Sangria!!"

"Ay batok mo may libag!" sigaw ko ng magulat.

Pinanlisikan ko ng mata si Eliza na may suot ng maskara ng killer clowns sa harap ko ngayon.

"Adik ka ba?!" sigaw ko sa kanya. "Alam mo bang may trauma ako sa killer clowns?! Alam mo bang inuunahan ko silang saksakin bago pa nila ako masaksak?! Paano pag nasaksak kita?!"

"Eh kasi naman Miss eh! Tulala ka nanaman!" padyak nya sabay tanggal ng maskara sa mukha.

"Saan mo ba nakuha yan?!" sigaw ko pa sa taas ng presyon.

"Binigay po ni Prinsipe Evrett. Malungkot daw po kasi kayo eh.."

Kumunot na lang ang noo ko sa sinabi ni Eliza. Yeah, maybe Clowns are for sad people, but not for me. Lalo akong na-hhighblood.

"Pakisabi sa Mahal na Hari-- este Mahal na Prinisipe na last nya na yan, kundi ipapasaksak ko na sya sa killer clowns!" sipat ko sabay balik sa kama at hilata nanaman.

Napapailing na lang ako. Masyado na kong maraming tinatagong sikreto. Muntik muntikanan na kong madulas sa maraming pagkakataon. Kahit ang sikreto ni Evrett na Hari sya, ang hirap itago.

"Miss, yung totoo? Ano po bang nangyari sa inyo sa Sevardosi? Mula nun bumalik kayo nagiba na kayo. Di na kayo pala-imik, naging matamlay at naging iritable pa kayo."

Napatingin ako Eliza at sumimangot. If only I can tell her that Tedros did this to me. If only I can tell her that I was rejected by the only guy I really really like.

Its already been 3 days since that incident and I admit, it really killed me. Di na rin akong madalas makisalamuha gaya ng dati. Pagkatapos ng klase at trabaho kay Haring Evrett, babalik agad ako sa kwarto ko para magkulong.

Its just that I cant roam around the castle cause I might bump into Tedros. Ayoko na talaga sana syang makita muna. Pilit ko syang tinitiis, sa ganung paraan, alam ko, madali ko syang malilimutan. At pag nakalimutan ko na sya, dun ko lang sya mahaharap ng di nasasaktan.

But sometimes I wonder, is Tedros thinking of me too? Is he feeling guilt? Nagsisisi kaya sya sa ginawa nya? Malamang hindi, mukhang kahit pinagbantaan ko sya, ako pa rin ang affected.

"Miss.." nguso ni Eliza at upo sa kama ko. "Bumalik na po kayo sa dati.. miss ko na po yun dating Miss Sangria eh.. tignan nyo nga din po si Nuggets oh, ang haba na din ng nguso."

Nilingon ko ang aso at napakalungkot nitong tignan. Hindi ako makapaniwalang ganito karami ang naapektuhan sa pambabasted ni Tedros sa akin.

"Dude! Halika!" senyas ko sa aso kaya agad itong tumayo at tumakbo patungo sa akin.

"Im sorry.." bulong ko kaya dinikit nya ang basang ilong nya sa ilong ko.

Ngumiti din ako kay Eliza pagkatapos. "Sorry din.." sambit ko sa kanya.

"Sus Miss! Ayos lang yun noh, lahat naman tayo tinatamaan sad days. Di nga lang bagay sa inyo kasi masayahin kayo palagi eh. Sa sobrang masayahin, mukha ng baliw." pahayag nya kaya banas ko syang tinignan.

"Seriously?" sipat ko.

"Joke lang po!" peace sign nya sabay hawak sa kwintas sa leeg nya.

"Thank you ulit dito Miss ah. Grabe ang saya ko, ngayon lang ako nakatanggap ng ganito." aniya patungkol sa kwintas na pinasalubong ko sa kanya mula Sevardosi.

8 RULES OF A CONCUBINE Where stories live. Discover now