Chapter 11: Dela Cerda

2.2K 155 112
                                    

SANGRIA

Nagsimula ng maglakad palayo si Tedros kaya napatingin ako kay Tito Ravan.


"Tito! What the hell?! Ano yun?!" bulalas ko sa kanya.

"Relax Sangre." kalmadong aniya. "We will win this bet. The odds are against him. Ang pustahan ay kung magkarelasyon tayo at surely, wala syang makukuha."

"Pero may sikreto pa din tayo! At hindi lang yun, mga ulo natin ang sinangla mo!! Pag pugot na ang mga ulo natin, di na natin matutubos yon!! Pugot na eh!"

"Look Sangre, may pagpipilian ba tayo nung mga oras na yun? Him finding for proofs will buy us some time! May maiisip pa kong paraan! Aayusin ko to!"

"Ravy, bat di na lang ganito, kausapin natin yung tao! Pakiusapan! Ganun!"

"Pakiusapan?!" pahayag nya sa tonong adik ka ba Sangre?! "The hell! Si General Tedros yun baka nalilimutan mo! Papakiusapan mo?"

"Oo! Kaya aalis na ko! Ipapaintindi ko sa kanya!" paalam ko kay Tito Ravan para habulin si Tedros.

"Oy Sangre! Bumalik ka dito!" hiyaw nya ngunit di ko na pinansin.

Oo, kakausapin ko si Tedros, naniniwala ako na maiintindihan nya. He is intellectual and fair! I have to believe in the goodness of his heart! Just like how Scott believes in him!

Nakita ko sya sa wakas kaya tinawag ko.

"General!!" sigaw ko.

Hindi nya ko nilingon at nagpatuloy lang sya sa paglalakad. Sht! Kung kailangan kong mageskandalo para pansinin nya, mageeskandalo ako!

"TEEEDDRROOOOS!!!" sigaw ko pa ng mas malakas ngunit dedma pa din ang inabot ko.

Binilisan ko ang takbo ko para mahabol sya ng bigla syang huminto at humarap.

Shoot! Di ako nakapreno kaya sumapol ako sa dibdib nya.

"Aray!" hawak ko sa ilong ko at noo na umumpog sa harapan nya.

Walang pakialam si Tedros at kunot noong tumingin lang sa akin.

"What?" kaskas bagang na tanong nya.

Binitawan ko ang ilong ko at tumingin sa kanya.

"Pag-usapan natin to." pahayag ko.

"Wala na tayong pag-uusapan. Everything is already settled."

"Teka! Mali kasi yang iniisip mo eh! Gusto ko magpaliwanag!"

"Magpaliwanang para makaloko ka nanaman? And here Iam thinking that youre pure and decent! Mas malala ka pa pala sa iba!"


"What the?! Manong wag ka nga maging judgemental! Makinig ka muna sa akin!"


"Then what else is it? Naging tanga na nga ko, gagawin mo pa kong mas tanga! After all the things I did for you?! Niloloko mo lang pala ako! Youre manipulating me! You cheating, lying, backstabbing--"

Andami pang sinabi Tedros kaya nagsalubong na lang ang kilay ko. Sinarado ko na ang tainga ko dahil nagsesermon na sya ngayon tungkol sa kataksilan at infidelity.

Akala mo talaga may nagawa akong karumal dumal.

Ay grabe sya oh! Sino ba sya sa akala nya?! Boyfriend?! Ang lala din ng saltik nitong lalaking to eh! sigaw ko sa isip ko.

8 RULES OF A CONCUBINE Where stories live. Discover now