Chapter 35: The Queen Mother

1.1K 71 53
                                    

SANGRIA

"HOY TEDROS, ANO NA?! ALL CAPS TO PARA MALAMAN MONG SERYOSO AKO! ANONG PETSA NA?! BABALIK KA PA BA O ANO?! BAKA DI MO ALAM, G NA G NA SI SCOTT MGA TRIP NYA!"

Send. Send. Send. Unli Send. Oo sinend ko ng tatlumpung beses at wala akong pakialam! I tried calling his line too, but still, it cannot be reached. Ano ba?! Na-salvage na ba sya o ano?! Halos magttatlong buwan na ah! Kung bangkay na sya manong ideliver na dito ng LBC ang katawan nya ng makita ko!

"Hey Sangre." biglang bukas ni Tito Ravan ng pinto ng kwarto ko. 

"Ay pwet mong may tae!" gulat na reaksyon ko. "Ano ba Ravy! Di uso katok?! Paano kung nagbibihis ako?!"

"And so?! Ive seen you naked before!" pilosopong sagot nya.

"Oo! Nun flat pa ang boobs ko at nakadiaper pa ko!"

Nabanas ang mukha ni Tito Ravan at tinignan ako mula ulo hanggang paa. 


"Ah talaga?! Baka nalilimutan mo, sinamahan kita mamili ng bra nun--"

"No! Stop!" awat ko kay Tito Ravan at takip sa tainga ko bago pa nya matapos ang sasabihin nya. Ito nanaman sya! Buong buhay ko, sya ba ang kasama ko! Nakakahiya! No wonder people around us are gossiping! And no wonder I didnt had any boyfriend!

"Ano ba kasing ginagawa mo? Bumaba ka na at kakain na. Kaninang kanina pa ah, nakakahiya na sa Mahal na Hari."

"Oh sht." bulong ko sa sarili ko. Ang Mahal na Hari nga pala. Si Scott. And I just remembered what happened between us last night! I rejected the King of Ponte Zaltalluna! Am I gonna be dead or what?! Mapapatapon na ba ang pamilya ko sa malayo o ano?!

"Bumaba ka na sa loob ng isang minuto kundi kukurutin na talaga kita sa singit!" huling sermon ni Tito Ravan pagkasara ng pinto ko. 

Sht. Sht. Sht. Hayop ka talaga Tedros. Tignan mo kung anong kamalasan ang ginawa mo! sigaw ko sa utak ko.

Hindi na ko nagsayang pa ng oras at agad ng bumaba bago pa makurot ni Tito Ravan. I reached the dining room and my eyes automatically met Scott's. Bigla kasi syang tumayo para batiin ko. 


"Good Morning Sangre!" masayang tugon nya kaya napatingin lahat ng pamilya ko sa kanya. 

"G-Good M-Morning?" utal na tugon ko sa pagbati nya. Well, I didnt expect he's happy. Akala ko galit sya sa akin dahil sa ginawa ko ngunit hindi pala. 

"Come sit and let's eat already." aniya sabay lapit sa akin at hatak sa isang upuan para ialok. 

Naupo ako at napakibit balikat na lang sa pamilya ko dahil lahat sila mukhang confused sa mga pinaggagawa ni Scott.

Nagsimula na kaming kumain at todo alalay si Scott sa akin. Seriously, ano bang gusto nya?! Ang subuan ako?!

"Uhh.. may I know what's happening here?" salita na ng Tatay ko sa wakas dahil kanina pa sila takang taka sa mga kilos ni Scott. 

"Im glad you ask Sir." tugon ni Scott sa kanya. "And since were gonna talk about it, can I ask for your permission first?"

"Ang agang nose bleed Kuya Fried Chicken ah!" sabat na Merlot sa pag-iingles ni Scott. 

"Permission on what?" ani ng Tatay ko. 

"Gusto ko po sanang ligawan ang anak nyo, kung ayos lang po sa inyo."

Hindi sinasadyang nadura ni Tito Ravan sa iniinom nya. Ako naman, napanganga na lang sa mga pinaggagawa ng Hari. 

"I really really fell hard with your daughter, Sir. And I swear, I promise you guys here that I will take good care of her."

8 RULES OF A CONCUBINE Where stories live. Discover now