Chapter 3: Music is Life

2.3K 158 93
                                    

SANGRIA

"Hello Miss Sangria, so what musical instruments do you play??"

"Ha??" nganga ko sa music teacher namin.

Nilibot ko ang mga mata ko at nakatingin nanaman lahat ng concubine sa akin. Tsk nakakainis na ah, lagi na lang ako ang bida.

"Miss Sangria, almost of the concubines here are already very well trained in Music. Since youre the new one, I will be concentrating on you, so what musical instruments do you play??" ulit pa nya.

"Uhh.." kagat ko sa labi ko para mag-isip.

"Cmon, wag ka mahiya.."

"Uhh.. Drums??" sagot ko sa tonong patanong.

"Drums??" kunot ng noo nya.

"Opo, yung mga Led Zeppelin, Nirvana, ganon."

"Uhm Miss Sangria, we dont do rock and roll here. Anything else??"

"Uhh.. Tambourine?" kibit balikat ko.

"Miss.." kamot na ng Music Teacher ko sa ulo nya. "How about Violin??"

"Violin?!" bayolenteng reaksyon ko habang may kinukuha sya sa gilid nya. Hindi rin nagtagal ay may nilapag sya sa harapan ko.

"P-Pero..."

"Cmon, for sure naturo yan sa eskwelahan nyo, san ka nga ba galing?" sabay kuha naman nya sa isang folder sa gilid nya.

"Santa Mauraluna?? Hmm, astonishing."

"Santa Mauraluna?!" sigaw ko sa isip ko. Ni hindi ko pa nga nakikita ng personal yung eskwelahan na yun tapos dun pa ko galing?! Oh cmon! Walang hiyang Ravan talaga yan!! Lakas maka-doktor!!

"Ah yes yes." ngiti ko na lang. "Kaso Mam, recently, I had this head trauma, ay grabe, naalog po ang mga knowledge ko." imbentong dahilan ko.

"Oh really? Kawawa ka naman."

"Opo.." nguso ko.

"Very well then, why dont you try remembering."

"Ha?"

"Kunin mo to." sabay abot nya ng violin sa akin. "And also, make sure that youre ready to play this piece by next week."

"Next week??!" aapela na sana ako ng abutan nya ng isang papel na may mga nota na hindi ko maintindihan. At Bach?! Sinong Johann Sebastian Bach to?! Bachbakin ko mukha nito eh!!

"You may now have your free time to remember Miss Sangria, goodluck!"

"What the-"

Natulala na lang ako ng palabasin nya ng klase nya. Napanganga na lang ako sa violin na hawak ko. "What the fudge." bulong ko.

How can I learn to play the violin?! Ni walang internet access dito! Paano ako makakapagyoutube!!

Bumaba ako sa lobby ng concubine mansion at naupo.

"Shit." bulong ko pakatitig sa violin case na hawak ko.

Napalunok ako at binuksan ito. I took the violin out with the bow and started to glide the bow into the strings. Yung mga napapanood ko sa TV.

8 RULES OF A CONCUBINE Where stories live. Discover now