Chapter 12: Sangre

2.1K 146 93
                                    

SANGRIA


"Nasaan na ba yun? Nasaan na? NASAAN NA?!"


Walang katapusang kalkal ko sa pinaka-itaas na kwarto ng kastilyo. Tarantang taranta ako habang may hinahanap. Nag-aalala kasi ako at baka bigla ngang sumulpot yung bampirang sinasabi ni Lola.


"Ate!! Bilis! Wiwi!!" hiyaw ni Chad malapit sa pinto. Piniwesto ko sya dun sa dalawang dahilan. Una, bilang bantay at pangalawa, kung sakaling dumating nga ang bampira eh sya ang unang makakain.


"Teka! Ililibre nga kita ng ice cream diba?! Manahimik ka jan!" sagot ko ng hindi sya nililingon.


Bigla namang umalululong si Nuggets na ikinatalon ng puso ko.

"Hoy ha! Isa ka pa! Quiet!" duro ko sa kanya. Tinignan ko sya at maluha luha nanaman sya sa kwintas nyang gawa sa bawang. Hmp, buti pa nga sya may pangontra.

"Tsk. Leche kasi yang amo mo eh." bulong ko sabay balik sa pagkalkal. Leche! Leche talaga yang Tedros na yan!

Matapos ang ilang minuto ay nakita ko na sa wakas ang hinahanap ko.

"Perfect!!" dakot ko sa dalawang photo album.

"Nuggets tara!" senyas ko sa aso na sumunod naman agad sa akin.

"Halika, Chad." dampot ko sa kapatid ko para kargahin.

Halos tumalon na ko sa hagdan makawala lang sa teritoryo ng bampira.

Narating na namin ang ikatlong palapag kaya binaba ko na ang bata.


"Sorry ha." luhod ko kay Chad at halik sa noo nito. "Pramis, bukas bibili tayo ng ice cream."


"Sabi mo yan Ate ah! Ihi na ko!" aniya sabay takbo.

Bigla namang sumunod si Nuggets kay Chad kaya di ko na nahablot ang kwintas nya. "Hoy Nuggets! Yung bawang mo!"

Seriously! Para akong nagkaroon ng isa pang kapatid!!

Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa dalawang photo album na hawak ko.


Kinabahan ako bigla. Aamin na kasi ako kay Tedros. Its like this, I rather lose my position as a concubine than lose our heads. Especially Tito Ravan's head!


Tumayo na ako at nagsimulang lumabas para hanapin si Tedros.

"Fck, where's that asshole." bulong ko ng di sya makita.

"Merl!" lapit ko sa kapatid ko pagdaan sa harapan ko. May bitbit din syang iilang bote ng alak na marahil iimbak sa cellar.


"Nakita mo yung hayop- este si Tedros??" tanong ko sa kanya.

"Ah si Kuya Tedros ba?" tugon nya.

I reacted with a stone face. Anong Kuya Tedros ka jan?!


"Oo! Yung kumag na un! Nasaan sya?!"

"Sa may Treehouse Ate, iniwan ko dun."

"Ah ganon, so tropa na kayo? Pahingi nga nyan." nguso ko sa dala nya.


"I-Ito ba?"

"Oo. Alangan naman yang panyo mong may sipon diba?"

"B-Bakit? Mag-iinuman kayo ni Kuya Tedros?"

"Oo at mag-paparty kami! Akin na!" hablot ko sa isang bote.

Napatitig lang sya kaya sinindak ko.

8 RULES OF A CONCUBINE Onde as histórias ganham vida. Descobre agora