Chapter 18: Evrett

2.1K 150 156
                                    

SANGRIA


"Uhh.. Your Grace.. wag jan, matatapilok ka, may bitak un sahig oh."

"Ay palaka!" reaksyon nya ng matapilok nga.

"Ba yan! Alagain ah!" bulong ko sa sarili at facepalm. Napailing na lang ako at nanood pa sa Unang Prinsipe ng Borgunia na si Evrett habang walang tigil sa paglalakad.

San ba pupunta to? Napapagod na ko kakasunod ah! Ang bilis pa nya, kala mo naman alam nya ang pupuntahan nya!

"Uhh.. Your Grace.." tangka ko ulit na awat sa kanya. "Wag din po jan, caution daw, wet floor, basa yung sahig oh, sige kayo, madudulas kayo."


"Ay kamote!" utas nya ng madulas nga.

"Ba yan!" kamot ko na sa ulo ko. Grabe ah! Kanina pa ko abiso ng abiso dito! Bingi din ba sya?! Di nya kasi ako naririnig eh! Malabo na mata, bingi pa?! Ganon?!

Nanood pa ko sa kanya at di ko na talaga matiis. Eh paano, may hagdan na pababa pero di pa nya nakikita! Susmaryosep!

Surebol na mahuhulog sya kaya nagmadali akong humabol para mahawakan sya.

I held his sleeve to stop him from falling.

"Hep! Your Grace! May hagdan na oh! Ano ba kayo?! Suicidal?!" sabog ko sa wakas. Eh paano! Kunsumeng kunsume na ko! Para akong Yaya na nagkaroon bigla ng alaga!

"Ha? Hagdan?" singkit ng mata nya at silip pababa. Kinapakapa pa ito ng kanang paa nya kung totoo.

Loko to ah, pagdudahan ba ko?!

"Is there? Im sorry, wala kasi akong makita eh." aniya.

"Pansin ko nga eh, duh." sobrang hinang bulong ko. For sure, di rin nya maririnig, may pagkabingi sya diba?

Since iritang irita na ko, hiningi ko na lang ang salamin nya para gawan ng paraan. I just cant keep up with his accident prone self! Dumadami ang wrinkles ko! Dont tell nagkamali ako at mas malala pa pala sya kay Douchebag?!

"Amin na nga yung salamin mo Your Grace." sipat ko at lahad ng palad sa kanya.

"B-Bakit?" pagtataka nya.

"Basta!" lisik ko ng mga mata.

With a confused look on his face, he took his glasses from the pocket of his coat.


"Here." abot nya sa akin.

"Yung turnilyo." hingi ko.

"Oh you mean the screw?"

"Ay hindi, yung eyeballs mo, yeah obviously, yung screw! Inenglish mo lang kaya!" isasagot ko na sana ngunit pinigilan ko ang sarili ko. "Tandaan mo Sangre, kahit bingi yan, prinsipe ang kausap mo!" sitsit ko pa sa sarili ko.

Inabot nya sa akin at may kinapa naman ako sa ulo ko. Kinakapa ko ang Hairclip na binigay ni Tedros sa akin.

"Ah ito." bulong ko ng makapa ito. Hinatak ko ito sa buhok ko para tanggalin.

"Hanep, multipurpose pala ito ano." bulong ko habang ginagamit ang hairclip bilang screw driver ngayon.

Infairness, nagamit ko na rin to bilang pantinga nun isang araw eh. Char.

Not minding the prince who curiously watches at what Im doing, I continued to tighten the screw on his glasses using Tedros' given hairclip.

8 RULES OF A CONCUBINE Where stories live. Discover now