Chapter 23: Storage Room

2.1K 123 140
                                    

SANGRIA


"Come baby boy! Dance with me!!"

"Hep hep!!" harang ko sa babaeng nagbabalak humatak kay Scott.

"Ano ba?! Kanina ka pa ah!!" tulak na ng babae sa akin.

Badtrip ko na lang syang tinignan. Ang init na ng ulo ko ah. Ang sakit na ng katawan ko. Yung totoo?! Bouncer ba ko?! Bugbog na ko ah! Kanina pa ko nakikipagbuno sa mga babae dito na hatak ng hatak kay Scott! And what's worse?? Lasing ang Hari kaya di sya makapalag!!

"Sino ka ba nya?! Nanay ka ba nya?! Masyado ka!" sigaw pa nya sa pamumukha ko. Halos tumalsik pa ang laway nya sa akin. Ano ba?!

"Chill nga lang kayo! Bakit ba itong kasama ko ang pinupuntirya nyo?! Andaming lalaki na willing diyan oh!!" sigaw ko din sa mga pagmumukha nila.

"Eh sa yan ngang kasama mo ang gusto namin eh!" tulak pa ng isang babae sa akin at abante kay Scott. "Cmon baby boy! Sa akin ka sumama!!"

"At talagang hinahamon nyo ko ah!!" stress kong sigaw sabay sabunot sa babaeng nagbabalak humatak kay Scott. Kinuha ko rin ang braso ng Hari para hatakin at ipwesto sa likod ko.

"Hoy mga mangkukulam kayo!" duro ko sa kanila isa isa. "Maghanap kayo ng sariling nyong baby boy!! Akin tong baby boy na to!!" hiyaw ko sabay kaladkad sa lalaki.

Seriously! Im fckin tired!! I dragged Scott more further until we reached our table.

"Sit!" halos tapon ko na sa Hari sa isang sofa.

"Arrghhh!!!" sabunot ko na din sa buhok ko sabay dampot ng isang bote ng alak at laklak dito. Grabe! Stress na stress na ko! Kanina pa ko di magkandaugaga sa kanya!! Parang akong Yaya slash Royal Guard!!

I didnt imagine that Scott would be this attractive in public! Kung di lang ito ang Hari ng Zaltalluna, pinalapa ko na sya sa mga babae diyan!!

Naupo na din ako at hinilot hilot ang noo ko. God, I want to go home already!!

"Oy oy!!" awat ko sa kamay ni Scott na akmang kukunin ang bote ng alak. The thing is, naunahan nya ko kaya ngayon tumutungga na sya.

"Hay susmaryosep Lord!! Patawarin nyo ko kung makasampal ako ng Hari!!" sabunot ko nanaman sa buhok ko.

"Hey Sangre, how about I make you the Queen of Ponte Zaltalluna?" bangag na pahayag nya sabay baba ng bote.

"Hoy Scott, lasing ka na, tama na yan." agaw ko sa bote ng alak na nasa kamay nya.

"Teka, uubusin ko lang yang huling bote, sayang, maraming naghihirap, wag tayo magtapon!" lasing na salita nya sabay bawi sa boteng inagaw ko.

"But really honey, I mean it." daldal pa nya. "You know my pretend relationship with Celestine right? Pinakisamahan ko lang sya para sa kaharian. But Im fcking tired now, you know how tired?! Fcking fcking fcking fcking tired!!"

"Ssh! Your Grace!!" taklob ko sa bibig nya.

"Cmon honey.." lasing nyang tingin sa akin at hawak sa kamay ko. "I will ditch Celestine for you. Be my Queen Sangre, I think we are really a good pair to rule."

"Punyeta Scott, ano ba." bawi ko sa kamay ko at agaw sa baso nya. At di lang yun, minura ko pa sya. Chance ko ng makamura ng Hari kaya di ko na pinalagpas. Once in a lifetime chance din to.

Tumingin ako sa paligid para hanapin ang Royal Guard nya ngunit missing in action ito. Paano ko mauuwi tong Haring to sa palasyo?!

"Or.." lasing na pahayag pa nya. Tumigil pa sya na parang nag-hang bago makapagsalita ulit.

8 RULES OF A CONCUBINE Where stories live. Discover now