Chapter 7: Tedros and Scott

2.2K 146 87
                                    

SANGRIA

"Echosera ka rin noh?" 

Umikot na lang ang mga mata habang ngumunguya. Seriously, ang aga aga ha! Itlog maalat ba to? Akala ko sunny side up?!

"Peyborit mo talaga ako noh?" tingin ko ng masama kay Siyete na nakaupo sa tapat ko.

"Wala lang kasi akong makitang barbero dito na kagaya mo eh. Ayaw pala kay Tedros ah! Kung makadikit ka kahapon sa tao para kang--"

"Edi sana ikaw yung naglinis ng Kennel para nagsama kayo!" sabat ko. But this time, mahina lang. Ayoko nanamang magsimula ng riot noh.

"Hmp!" irap nya kaya tumayo na ko. Araw araw na lang ganito. Hinayang na hinayang na ko sa buffet ah, kung alam lang nila na gusto ko pang kumain! Kaso pag nakikita ko ang mga mukha nila, napapatayo ako sa upuan ko.

Naglakad ako palabas ng Grand Hall at ramdam ko ang mga matang nakasunod sa akin hanggang sa pagsara ng pinto.

Lintik talaga! Kung pede lang ako magparoom service eh!!

Bumalik na lang ako sa kwarto ko at agad namang sinalubong ni Nuggets.

"Nuggets!" yuko ko sa aso.

Napangiti na lang ako habang hawak sya sa may ulo nya. Aww humihinga na sya. Di na sya mukhang dead meat.

Nilabas ko mula sa bulsa ko ang pagkaing binalot sa table napkin at inabot sa kanya.

"Chicken Nuggets yan, ano? masarap ba kainin ang kapangalan mo?" bulong ko habang pinapanood sya sa pagkain.

"Miss!" biglang pasok ni Eliza sa kwarto ko kaya napalingon ako. "Music Room po in 10 minutes."

"Yeah yeah.." wagayway ko ng kamay sabay tayo.

"Pasensya na Eliza ha. Nadagdagan pa tuloy ang trabaho mo, ilakad mo lang tong si Nuggets sa labas saglit para mahanginan. Tapos daan ka na din sa Kennel para sa supplies."

"Uhh.."

"Bakit?" tanong ko sa kanya dahil napakamot sya sa ulo nya.


"Uhh.. eh Miss sa supplies baka pedeng ikaw na lang, takot kasi ako kay General Tedros eh.. laging lukot ang noo."


"Hay nako, kung takot ka, mas takot ko! Edi magdala ka ng plantsa! Plantsahin mo yung mukha! Saka ang dami ko ng atraso dun noh, bumingo na ko!" kumpas ko ng kamay sabay talikod para lumabas.

Seriously, kailangan ko na talagang dumistansya kela Tedros at sa His Highness, kukurutin na talaga ako ni Tito Ravan sa singit!

Narating ko na ang Music Room at naupo na agad sa pwesto ko. Unti unti na ding dumating ang ibang concubine at kinuha ang mga instrumento nila para magensayo.

Everytime there's some Royalty from other land visits ours, these girls here perform. Napagtanto kong mahalaga pala ang trabaho ng mga concubine, kung walang concubine, boring ang party.

"So girls!" biglang dating na ng Music Teacher. "You are all requested to do a musical recital on the 20th of the month! The King and Minister of blah blah blah"


"Oh shit-" napamura na lang ako sa sarili pagkarinig sa anunsyo nya. Wala na kong narinig pagkatapos at na-blanko na ang utak ko.

Kung ako frustrated, ang lahat naman ng babae ay masaya at excited. This is group recital! First, wala akong alam sa musical instruments, second, how can I get along with these girls to practice!

8 RULES OF A CONCUBINE Where stories live. Discover now