Chapter 16: Welcome to Ponte Zaltalluna

2.1K 131 137
  • इन्हें समर्पित: Miwako258
                                    

SANGRIA


"South Borgunia generates 5% of Gross Domestic Product. It is estimated to be the fifth fastest growing kingdom with a total demand and potential growth of 8%-"


"Ay fudge!" bulalas ko ng biglang bumagsak ang ulo ko sa lamesa.

Hala ka jan! Nakatulog ako! Napamasahe tuloy ako sa noo kong humampas sa kahoy.

Ano ba naman kasi tong klaseng to! Nakakaantok! Since bukas na ang dating ng Hari ng South Borgunia, nag-times three lecture kami tungkol sa Geography, Infrastructure, Monarchy, Demographics at Culture nito! Swear, antok na antok na talaga ako!!

And why do we need to know all these? Its because we will be escorts to the Royal family! Ano ba yan! Dagdag trabaho nanaman!

"Miss Sangria, natutulog ka ba?" masungit na sipat ng lecturer namin sabay tiklop ng braso nya sa harapan.

Inayos ko muna ang buhok kong sabog, pinunasan ang bibig kong baka sakaling may tumulong laway at inayos ang duling kong mata.

"Oy hindi Ser ah. Grabe ka." sagot ko habang tinatago ang pagkabangag ko.

Tumaas ang kilay nya at nabakas ang pagdududa sa mukha.

Well I think its okay to talk to him like I did, di naman sya gaanong matanda para galangin. I even think he's the same age as Tito Ravan. Saka matagal na rin naman namin syang guro. Lecturer din namin sya sa Ethics Class.

"Really huh? Sige nga, kung di ka natutulog, what is the Total Area of South Borgunia?"

"Oh shit." tanging nasabi ko sa utak ko. Nak ng tokwa naman tong lalaking to oh! Oo, nagadvance reading ako pero bangag pa ko, galing idlip kaya ako! Bigyan nya kaya muna ako ng 3 minutes para makarecover!

"Ano Miss dela Cerda? You don't know?" gisa pa nya sa akin.

Damn it. Nagtawanan na din ang ibang concubine sa pagsasabon nya sa akin.

"Kahit kailan talaga shonga." rinig kong bulong ni Siyete- I mean Otso.

Grabe, hambalusin ko kaya sya ng lamesa! Bagong gising ako oy. Magbiro ka na sa lasing, wag lang sa bagong gising!

Tumayo na lang ako at hinarap ang lecturer.

I exhaled and rummaged my brain. I closed my eyes to think too. Teka wait, alam ko to eh. Ah! Yes!

"276, 841 square kilometre po Sir, ha! ano ka ngayon." proud na sagot ko.

Sabi ko naman guys eh, nagadvance reading ako. Not only that, I photographed each and every page in my memory.

"Hmm? Okay then, how about the Land Area?"

"256, 369 square kilometre." diretsong sagot ko. Seriously, ano bang gustong palabasin ng lalaking to?! Na wala akong alam?! Sige pa! Tanungin pa nya ko kung gusto nya!

"Water Area?"

"6, 725 square kilometre."

"Hmm? How about the Land Area of our Kingdom Ponte Zaltalluna?"

"Ano ba Ser, may problema po ba kayo sa akin?" sabog ko sa wakas.

Kumunot ang noo nya sa pabalang kong pag-sagot kaya napilitan akong umayos.

"Okay, sorry." taas ko ng dalawang kamay ko.  "191,801 square kilometre PO." diin ko ng PO. Nakakapika na kasi eh.

"Hmm? And our Kingdom Alliance Aferassa is under what Kingdom?"

8 RULES OF A CONCUBINE जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें