Chapter 6: Peanut and Friends

2.2K 163 70
                                    

SANGRIA

"Hoy Sangria!!"

Tayo ng isang babae sa kabilang dulo mula sa pwesto ko.

Napatingin ako sa kanya at nakakabit sa damit nya ang Numero Dos.

"Sino ka para pagsalitaan si Tedros ng ganyan?! Di mo ba alam ang mga sakrispisyo nya?! Di mo ba alam na sya ang sumasabak sa giyera para lang mabuhay tayo?! Ang kapal din ng mukha mong laitin sya noh?!" hiyaw nya. 

Di na ko nagsalita. Pinigilan ko ang sarili ko. Whew. I exhaled to calm myself. I cant fight these girls. Masyado akong dehado. Naiintindihan ko naman ang nangyari. Aminado ako na nagkamali ako.

Mariin akong pumikit at pinakalma ang sarili ko.

"Okay girls, sorry." taas ko ng kamay ko tanda ng pagsuko. "Im very very grateful to Tedros and his men. Forget all that I said."

"Forget?!" tayo na rin ng isa pang babae. Tinignan ko sya at Numero Singko naman ang nakakabit sa kanya. "Hindi porket nagsorry ka, ayos na ang lahat! Matagal na kaming nagtitimpi sayo ah!"

"Why dont you just go?!" sabat pa ng isa babae. I looked at her pin and she's bearing Number 9. "Its obvious that youre very different from us! Kaya hindi ka namin makasundo eh! Iba ang breeding mo!" banat pa nya sabay dampot ng apple pie at hagis sa direksyon ko.

Hala ka jan! Ayokong masayang ang make up na ginawa ni Eliza noh! Umiwas ako at si Siyete na nasa likod ko ang nasapol sa halip.

"Grrr!! Sangre!!" porma nya ng kamay nya sa paraang sasakalin ako kaya umatras ako.

"T-Teka! Bakit ako?! Siya yung bumato sayo oh!" turo ko kay Nuwebe.

"Hoy Sangria!" sigaw naman ng isa pang babae na may hawak namang hotcake. Tumingin ako sa damit nya at nakakabit sa kanya ang Numero Otso.

Hinagis nya at dali dali akong nagtago sa likod ni Siyete!

Nasapol nanaman si Siyete sa mukha kaya tuluyan ng sumabog!

"Grr! Thats it! Fck you bitches!! Bakit ba ako ang tinitira nyo?!!" transform nya bilang godzilla sabay dampot sa isang platter ng spaghetti.

Hinagis nya ito kaya biglang umulan ng spaghetti at meatballs.

The platter hitted the floor and I automatically raised my look to all the girls.

Halos lahat ng babae ay nasapol nya, well except for me dahil nasa likod nya ko.

"Oh damn." bulong ko sa sarili. Di ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Ang dugyot ng mga babae at sabog ang Grand Hall!

"ANONG NANGYAYARI DITO?!" biglang bukas ng pinto at malakas na sigaw ni Madam Miramora.

Fudge. I looked at her at halos kulay ube na sya sa taas ng presyon.

"ANONG NANGYAYARI SA INYONG MGA BABAE KAYO?!" hiyaw pa nya.

Walang sumagot at nanatiling tahimik ang lahat.

"WALANG SASAGOT HA?!" gisa pa nya sa amin.

"KUNG WALANG SASAGOT, PWES, LAHAT KAYO MAGLILINIS--"


"AKO PO ANG MAY KASALANAN!" biglang bulalas ko.

Shoot! Bigla akong napatakip sa bibig ko! Di ko sinasadyang sumagot! I reacted on impulse! Natense kasi ako!

"ANO YON DOCE?!" hiyaw ni Madam Miramora sa akin.

8 RULES OF A CONCUBINE Where stories live. Discover now