Chapter 21: Tedros x Sangria

2.3K 133 154
                                    

SANGRIA


Dear My Baby Tedros,

       Kamusta? Nga pala, na-inform na ba kita? Na may gusto ako sayo? Ay hindi pa ba? Pwes ngayon alam mo na. At ngayong alam mo na, gusto mo rin ba ko? If yes. Pakisagot na lang. You may use the back of the paper to answer. In order sana para di ako malito.

Question #1: Kailan ang gusto mong anniversary date? Pakibigyan naman ako ng petsa para makapagcountdown na ko sa araw na yun, bibili pa kasi ako ng fireworks eh. Bukod dun, magpapalit pa tayo ng emails. Ilalagay natin yung number natin. PS. Wag 23, kasi nagbbreak ang mga twentitri.

Question #2: Ano ba ang gusto mong pangalan ng panganay natin? Okay lang ba kung kukunin natin sa Mobile Legends o LoL??  Paborito ko kasi yun eh, naglalaro ka rin ba nun babe?

Question #3: Sa kasal pala natin, anong gusto mong theme para makapag-google--

"Sangre, iha."

"Ay kilikili mo maasim!!" hindi sinasadyang sigaw ko ng magulat.

Lumingon ako patalikod at nakita ang Nanay ni Tedros na nakasilip na pala sa mga pinagsusulat ko. Sht! Kanina pa ba sya nandito?! Nakakahiya!!

"Uhh Sangria, ano ba yan? Love letter, Exam o Chain letter??"

"Ate!!" kuha ko sa papel na sinusulatan ko para itago. "Love letter syempre! Confession po to! Nakakahiya! Bakit nyo binasa!!"

"Love letter?" mahinhin na tawa nya. "Parang Death Threat iha."

"Ate!" nguso ko ngunit tawa pa din sya ng tawa sya. Ang sama nya! Inaasar nya ko!

"Youre really the cutest girl Ive ever met!! Ang cute cute mo sa pinaggagawa mo!" litanya nya sabay kurot ng madiin sa magkabilang pisngi ko. Aray ha! Seriously, gigil na gigil sya!

"O sya, wag mo kong pansinin, ituloy mo lang yang sinusulat mo, nageenjoy ako eh." pang-aasar pa nya.

"Ayoko na Ate! Nakakatawa ata eh! Tignan nyo nga yang mukha nyo sa salamin oh! Pulang pula na!!" banat ko kaya tuluyan na syang nagtatawa. As in tawa sya ng tawa na parang ikamamatay na nya. Hala ka diyan!


"Sorry! Sorry!" pilit nyang pigil sa tawa nya ngunit di nya magawa.

Matapos ang ilang minuto, marahil siguro sa kakulangan ng oxygen ay tumigil na sya. Kinuha na lang nya ang suklay at iniharap ako sa salamin para suklayan ulit.

"Kaw talaga, di ka muna nag-ayos bago gumawa ng blackmail."

"Blackmail?! Ate naman eh! Sige, isa pa!!" pikon na pahayag ko na. Kanina pa kasi sya! Di pa rin makamove on?!

Napatingin ako sa salamin at sabagay, may punto sya. Habang naliligo kasi, andami kong naisip, kaya pagkalabas na pagkalabas ng banyo ay dumirestso agad ako sa pagsusulat bago pa may makalimutan.

"Sangre anak?"

"Po?"

"Wag mo ng isulat, sabihin mo na lang lahat ng personal kay Tedros." seryosong payo nya.

"Eh ate.. di ko ata kaya, baka magkanda utal utal ako." simangot ko.

"Pero Sangre, there's more sincerity in saying than writing it." pahayag nya kaya napatingin ako sa papel na hawak ko.

She has a point though. I exhaled and crumpled the paper then.

"Tama ka Ate, mukhang laftrip naman tong sinulat ko eh, baka pagtawanan lang ako ni Tedros. Tama, sasabihin ko na lang."

8 RULES OF A CONCUBINE Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ