Chapter 13: Drink Moderately

2.3K 138 133
                                    

Author's Note: Two chaps combined po ito. Thanks!
-----------------------------------

SANGRIA



"Hangover?" dampi ng Nanay ko ng kamay nya sa noo ko.

"Weeh si Ate may Hangover? Echos lang nya yan para di makapagtrabaho." biglang dating ni Merlot sa hapagkainan at upo. Kasunod din nya sila Chad at Tedros na naupo na rin.

I looked at Tedros at salamat naman sa Diyos na nakadamit na sya. He's wearing a V neck shirt na tingin ko kay Papang galing. Grabe ang sikip nito sa kanya. Its like anytime soon, pedeng pumutok ang damit at nakahubad nanaman sya.

"If its not hangover then what is it?" sulpot naman ng Tatay ko at upo na din hapagkainan.


Nakatitig sya sa sakin sa paraang inuusisa ang pagkatamlay ko. Umiling ako at sinagot sya.


"Well.." buga ko ng hangin. "Mourn, sorrow, lament, sadness, anguish, grief, ache, death--"


"Uy sinong namatay?!" tarantang sugod ng Lolo ko galing sa labas at takbo sa hapagkainan.

"Wala pa naman Pang.." nguso ko sa kanya. "But it could probably be me in the next few days.." makahulugang tingin ko naman kay Tedros.


Tumingin din naman sya akin at imbis na awa ang makuha ko eh ngumiti pa sya. Fck! Kotang kota na sya sa ngiti ngayon ah!! Asshole!

"Kaya ka pala naka-itim Ate. Kala ko pa naman kayo na nung bampira sa itaas." singit ni Merlot ng nang-aasar.


"Vampire!!" sigaw naman ni Chad at turo sa akin. Humagikgik din sya ng tawa.

"Regla lang yan anak." pasok naman ng Lola ko at halik sa ulunan ko. Di lang yun, inabutan pa nya ko ng Napkin! What the hell! Ano ba?!

"Kilala kita anak, ganyan ang itsura mo pag may regla, first day mo?"


Pokerface ko na lang syang tinignan. Seriously?! Wala bang normal sa pamilyang to?!

Nagsimula na kaming kumain at iritang irita nanaman ako. Theyre all entertaining and giving so much attention to Tedros!

Si Lola, unli lagay pa rin ng pagkain sa plato ni Tedros, kulang na lang subuan nya, si Merlot kwento ng kwento sa kanya, si Chad sinasakripisyo ang dessert nya para sa lalaki, si Papang kinukwento sa kanya ang lupa, ang Tatay ko, kinukwentuhan sya ng alak, ang Nanay ko tinatanong sya kung anong gustong pagkain at iluluto daw nya.

For eff sake! Gusto kong sumigaw ng "ako ang apo, anak at kapatid nyo! Ako ang pansinin nyo dahil mamamatay na ko at yang lalaking yan ang papatay sa akin!"


But instead, I hurriedly finish my breakfast and stood up.

I went out the dining and sadly, walang nakapansin sa akin. Busy pa rin sila kay Tedros.

Bagsak balikat na lang akong naglakad at tumungo sa isang puno naming may swing. I want to bond with them for one last time but I dont know where to start.

I just swinged myself feeling sad as ever.

I also reached out for my rubiks cube in my pocket and played with it.

Hindi ko alam kung ilang minuto na kong nakaupo, natauhan na lang ako sa tawa ni Chad sa di kalayuan.

Tinanaw ko at magkasama sila ni Tedros.

What? Tedros nanaman?! Now I begin to wonder. Whats with him that everyone seem to like him despite of his uptight attitude. Theyre sitting in the grass and busy with something. Parehas silang nakayuko at malay ko kung anong ginagawa nila.

8 RULES OF A CONCUBINE On viuen les histories. Descobreix ara