Chapter 1: Day One

3.1K 166 22
                                    

SANGRIA

"Swerte! Swerte! Swerte!" walang tigil na hiyaw ng tiyuhin ko habang minamasahe ang likod ko na parang coach ng isang boksingero.

Nandito kami ngayon sa isang tent habang inaantay ang bagong kwarto ko.

"Nice Sangre. Ikaw na ata ang pinaka fast ranking concubine na nakilala ko." walang tigil na masahe nya kaya tinabig ko na. Seriously, naduduwal na ko!!

"Tigilan mo na nga yan Tito! Susuka na ko ng dugo kakahampas mo sa likod ko eh!" banat ko kaya tumigil naman sya.

Pumunta sya sa harapan ko at nagpatuloy sa pagtatalak. Grabe. Ang hyper nya.

Tito Ravan is just a few years older than me. Bunsong kapatid siya ng Nanay ko. Tito Ravan and I are very very close. I call him Ravy when I was a kid. Madalas kaming maglaro nun. Noong magdalaga ako madalas na nya ko ilabas dahil ayaw daw nya kong maging ignorante sa outside world.

Noong mga bata kami, madalas kaming mapagkamalang magkapatid. Itong magkaedad na kami, mag-syota naman. Dahil dun sinanay ko na ang sarili kong tawagin syang tito para di na magtanong ang lahat.

At Tito Ravan's young age he is considered a genius. The Royal house took notice of him at school and took him in as the apprentice of the Minister of the State.

Balang araw raw ay mamanahin nya ang posisyon ng Minister. Sa edad nyang bente sais ay marami na syang hawak na trabaho sa palasyo kaya nagawa nya kong maipasok sa Royal House.

Concubine lang talaga ang naisip naming posisyon para makakuha ng instant yaman. Kung dadaan pa ako sa pagkaalipores, malamang aabutin ako ng sampung taon.

"Grabe. Di ko naisip na ganun kababaw ang His Highness." komento pa nya. "I mean, I always see Scott as someone serious. Lagi syang pokerface pag may conference. Ngayon lang sya tumawa ng ganun."

"Scott?" tanong ko.

"Yeah, His Highness' name. Anyways, dont call him that, antayin mong sya ang mag-alok sayo. Sinabihan nya kong tawagin syang Scott so Im allowed. Either way, stick to your eight rules."

"Ah." tango ko.

"Nga pala Sangre, ilang araw ka pa lang ba nandito? Tatlong araw? At grabe, narinig ko kanina, pumasok ka pa pala sa doce ah!" aniya kaya kumunot ang noo ko.

"Ha? Anong doce?" tanong ko.

"Ano? Di mo alam?" kutos nya sa ulo ko. "Doce ang bilang ng top concubine!"

"Ha?" gulat na reaksyon ko. "Imposible! Ang dami naming bago nung isang araw ah!"

"Yeah well, others will go serve someone lower than His Highness while others will be slaves of concubines and the last some others will be exterminated. "

"Ganon? Eh paano-"

"Miss Sangria. Handa na po ang kwarto nyo." silip ng isang babae kaya natigilan kami ng Tito ko sa paguusap.

Ngumiti ako at tumango sa kanya.

"Susunod ako." sagot ko at bumaling ako sa lalaking kaharap ko.

"Ano na Ravy?" bulong ko sa kanya.

"Well..." bulong din nya habang nag-iisip. "Just maintain your place in the top 12. Also, keep a low profile but dont lose your rank, okay?" matipid na bilin nya ngunit intinding intindi ko.

Keep a low profile means I shouldnt stand out too much. Someone might dig in to my history and Ill be damn dead. Plus, ayoko ring mapahamak ang Tito ko. Matagal na sya sa Royal House at ayaw ko syang matanggalan ng posisyon.

"Goodluck." huling kindat nya kaya ngumiti ako ng mapait.

Tumalikod ako sa kanya at nagpakawala ng malalim na hininga.

I can do this!!

Sumunod ako sa babae hanggang sa marating namin ang isang mansyon. I was stunned. It looks like a castle from story books!

Outside the mansion is a board bearing girl names. Twelve names to be exact. Number 1 to 12.

So si Number 1 ang paborito ng His Highness? isip isip ko.

Napatingin din ako sa pinakaibaba at naroon na agad ang pangalan ko.

12. Sangria San Andres dela Cerda

Kumabog tuloy ang puso ko kaya napahawak ako dito.

Punyemas na His Highness yan. At inilagay pa nya talaga ako sa alanganing posisyon!

I just exhaled. I cant believe I reached this far. Di ko naman pinangarap to. Ang gusto ko lang naman ay ang masalba ang pamilya ko.

Tumuloy na kami sa loob at pumasok sa isang elevator. Narating namin ang ikatlong palapag at tinungo ang kwartong nakalaan para sa akin.

Pinasadahan ko ang buong lugar.

I noticed that each door has a number on it. Medyo nangingiti ako. Para kasi syang hotel.

Hindi rin nagtagal ay nasa tapat na kami ng isang pinto kung saan nakaukit dito ang Numero Doce.

Hinawakan ko ang numerong gawa sa ginto.

Sangla ko kaya to tapos umeksapo na ko? Chos.

Tumingin ako sa babaeng katabi ko at ngumiti sya sa akin.

Binuksan nya at halos lumuwa ang mga mata ko sa nasilayan ko.

Ang laki ng kwarto!!

Theres a massive chandelier, triple king size bed, elegant curtains, bookshelves, glass door that leads to the balcony---

Titili na sana ako ng takluban ng babaeng katabi ko ang bibig ko.

"Miss Sangria! Sa loob na kayo sumigaw. Soundproof po sa loob." bulong nya sa tainga ko kaya agad agad nga kong pumasok.

Sinira ko ang pinto at agad akong nagtatalon sa kama!!

"Yes! Yes! Yesss!!!!" sigaw ko kaya tahimik syang napahagikgik sa akin.

"Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya habang walang tigil pa rin sa pagtalon.

"Eliza po." sagot nya habang taas baba ang mata kakapanood sa pagtalon ko.


"Tara Eliza!! Talon tayo! Masaya pramis!!" lahad ko ng kamay ko ngunit umiling sya.

"Halika na sabi!!" hatak ko at dalawa kaming mukhang tangang nagtatalon.

Napagod din kami sa wakas at sabay na napaupo sa kama.

"Ang saya noh?!" wagas na ngiti ko sa kanya.

"Miss Sangria." panimula ni Eliza na hinihingal pa. "Mula ngayon pwede nyo po akong utusan sa kahit anong paraan. Personal assistant to concubine number 12, Eliza Altero." pakilala nya kaya natameme ako.

"Weeh?! Personal assistant?!"

"Oo nga po!"

"Maybe best friends!!" yakap ko kay Eliza ngunit dali dali syang tumayo para makabitaw sa yakap po.


"Bawal po Miss Sangria! Di po kami pede makipagkaibigan! Nga po pala, bukas ko na po ibibigay sa inyo ang schedule nyo."

"Schedule?"

"Opo. Sige po, aalis na po muna ako. Enjoy your night Miss." paalam nya sabay tungo sa pinto at labas.

Nagtaka tuloy ako. Bakit bawal maipagkaibigan?? At anong schedule?

Oh well! higa ko sa kama at pikit.

Bukas ko na poproblemahin ang lahat. Ang mahalaga, may malambot na kong higaan ngayon.

8 RULES OF A CONCUBINE Where stories live. Discover now