Chapter 9: Piano 101

2.1K 145 70
                                    

SANGRIA


"Aba! Di ko akalaing magaling ka pala magkalat ng tsismis! Kalat na kalat sa buong palasyo ah! In fairness!"

Lalong nalukot ang mukha ni Tedros tapos ng mga sinabi ko.

"Oo, kasi Megaphone ako na tinubuan ng tao diba? Sounds familiar? Yan ang pinagkakalat mo sa buong palasyo diba?" banat nya kaya napaatras ang dila ko.

Shoot! Paano nya nalaman yun?! Darn those concubines! Sa kanila ko lang sinabi yun ah! Malamang si Siyete ang nagsumbong kay Tedros! Totodasin ko talaga yung babaeng yun pagbalik ko! Humanda sya!

"You might be thinking how Ive come to know, alam ko ang lahat Sangria! Wala kang matatago sakin! Alam ko lahat!!" malakas na sigaw nanaman nya. Grabe sya! Basag na basag na ang tainga ko!

"So inamin mo rin na tsismoso ka!" sigaw ko rin sa mukha nya.

"Yes and I dont care! Now leave this room!"

"Hindi pwede!" apela ko. "Gagamit ako ng Piano! Kailangan ko magpraktis!"

"May ibang Piano sa palasyong to! Hanapin mo!"

"Bakit?! May ibang tulugan din naman sa palasyong to ah! Hanapin mo din at dun ka matulog!"

Hihiyaw pa sana si Tedros ng biglang magtatahol si Nuggets. Natikom sya at napatingin sa aso.

He even did a second a glance at the dog.

"What the eff! Ano yan?!" bulalas nya sabay duro sa kwintas ni Nuggets na gawa sa bawang.

"H-Herbal yan!" imbento ko. Yan ang uso ngayon! Yung mga organic chuchu! Di ka ba nag-oonline?! Yan ang gagamot sa puso nya!"

Hindi na sumagot si Tedros ngunit halatang bakas sa mukha nya ang salitang "Seriously?!"

"Hey Cmon." buntong hininga na lang nya sa stress. "Just go, I need to rest. I have a Summit Meeting in three hours." malumanay na pahayag nya.

Napakagat na lang ako sa labi at inalala ang naging kwentuhan namin ni Scott.

Tedros' life story. Bumagsak na lang ang balikat ko. Nangako ako kay Scott. I shouldnt be arguing with him right now. I should be making him happy instead. He had rough years, dapat ako ang nagpapaubaya.

I smiled weakly at him and gathered my music sheet.

"Sige, pasensya na sa istorbo." malungkot kong tugon at senyas kay Nuggets para sumunod sa akin.

"Come dude! Move your ass! Come here!" tawag ko sa aso na agad namang tumayo at lumapit sa akin.

Palabas na kami ng biglang tawagin ni Tedros.

"Hey!"

"Huh?" lingon ko pabalik sa kanya.

Lumapit sya at sinilip ang mukha ko.

"Youre brooding. I dont like women who makes brooding faces." aniya.

"B-Brooding?!" utal ko. "Hindi kaya!"

"Then whats the meaning of that face?" aniya sabay sundot sa noo ko gamit ang daliri nya.

"Im just.."

Nagisip muna ako bago magsalita. I cant tell that Im feeling sad for what happened in his life. That I am also sad cause Im doomed in our coming recital.

8 RULES OF A CONCUBINE Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora