Chapter 45: Zeldamuera

1.3K 73 50
                                    

SANGRIA

Handa na ang lahat ng mga gamit namin at isa isa na itong isinasakay sa isang maliit na barko.

Its like a combination of a mini ship and a speedboat. Yes.. something like that I think.

Ito ang gagamitin namin para makarating sa daungan ng Zeldamuera. May maghahatid din sa amin na kaagad naman kaming iiwanan para walang maiwang bakas na nagmula kami sa Sevardosi.

Im so lost in thought that this thing going on right now is actually serious. Aalis nga talaga kami ni Tedros at iiwananan namin ang lahat.

I looked around and Tedros is saying his goodbyes and promises to my family.

Alam nyo yun? Mga pangakong papakuin din naman nya. Umikot na lang ang mga mata at napailing ng biglang may tumapik sa akin.

I glanced behind and its Ate Eups.

"Ate.." ani ko sa nanay ni Tedros at niyakap nya ko.

"Call me Mom, Sangre. Youre married to Tedros now you know." ngiti nya sabay hawak sa mukha ko. Wala naman akong maisagot kundi isang pilit na ngiti.

"Dont worry, okay? Im sure we will be able to contact each other soon. Papalamigin lang natin ang sitwasyon." dagdag pa nya.


"Alam ko po Ate este- Mom." pilit kong ngiti uli at hinawakan nya ko sa mga kamay.

"There, much more pleasant to my ears. Remember Sangre, I love you so so much.. you and Tedros. You two look out for each other, okay?"

Sa pagkakataong ito, totoong ngiti ang isinagot ko sa Nanay ni Tedros.

Of course I'll say yes to her. I do care for her very much and I dont want to worry her... kahit Nanay pa sya ng manloloko at paasang si Tedros.

"Sangre, anak!" sumunod naman ang mga magulang ko kaya gumilid si Ate Eups.

She smiled to me as her farewell and went to her son.

"Ma! Pa!" yakap ko sa Nanay at Tatay ko. "Di pa to last kaya ayoko ng iyakan ah." banat ko kaya nangiti ang mga magulang ko.

"Oo naman, Sangre. Iisipin na lang namin na magttrabaho ka sa ibang kaharian. Allowance namin ah?"

"Ma!" padyak ko kaya natawa ang Tatay ko. Sumunod naman si Merlot na sinipa ako sa likod ng tuhod.

Muntik na kong mapaluhod kaya nabatukan ko sya.

"Ano ba?!" pektos ko sa kanya.

"The best ang remembrance mo sa akin Ate ah! Bukol?!"

"Kasalanan ko?!"

"Parang naglalambing lang Ate eh!" sipat nya kaya natahimik ako. Lumapit na lang ako sa bata at niyakap sya.

"Mamimiss kita Merlot.. yang kakupalan mo.. sobra.."

"Kakupalan talaga Ate?"

"Oo. Aalagaan mo sila Mama, Papa, Mamang, Papang at Chad ah?"

"Oo naman Ate! Kahit sila Nuggets and Teddy pa!"

Tumingin naman ako sa dalawang aso at napangiti. Oo kahit sila nadamay sa pagtakas namin. Damay damay ang lahat hindi ba?

Lumapit din si Chad kaya niyakap ko ng mahigpit. I just cant imagine that I will miss him growing up.

"Excuse me Lady Sangria." lapit ng isang lalaki sa akin kaya napaangat ako ng tingin.

8 RULES OF A CONCUBINE Where stories live. Discover now