Chapter 5: Ravan's Escape Plan

2.3K 147 28
                                    

SANGRIA

"Kaw talagang bata ka! Kukurutin na talaga kita sa singit eh!"

Umikot na lang ang mga mata ko sa non stop nagging mode ni Tito Ravan. Mula ng sumara ang pinto, hindi na sya tumigil sa kakadadak.

"Weeh, sige nga! Kurutin mo nga ko sa singit!" pikon kong sabog sa wakas.

"Hinahamon mo ba kong bata ka?! Kukurutin talaga kita!"

"May regla kaya ako ngayon! Sige nga! Tignan natin kung hindi mabahiran ng dugo-- Aray!"

Biglang batok nya sa akin. Di nga ko nakurot, nabatukan naman!

"Puro ka kalokohan Sangre ah! Isusumbong na talaga kita sa nanay mo!"

"Eh Ravy naman eh!" padyak ko. "Wala akong kasalanan! May toyo yung His Highness! Inutusan nya kong magjoke!"

"This is bad." seryosong saad nya.

"Huh?" pagtataka ko naman.

"I told you to keep a low profile. Angat na angat ka na masyado. Hindi lang yun, naging paborito ka pa ng Hari."

Natahimik na lang ako sa mga nasabi nya. Tama sya. Wala naman akong ginagawa ngunit napunta ako sa ganitong sitwasyon.

"And to give you to Tedros! Much much worse!"

Kumunot na lang ang noo ko kaya nagpatuloy sya sa pagpapaliwanag. Anong ibig nyang sabihin sa much much worse?

"Look, General Tedros is alright, most of the time he doesnt care, pero may sikreto tayo Sangre. He is very smart, he is the Military Strategist during wars! Ganoon sya ka-utak! The Palace Minister job is offered to him once, tinanggihan lang nya! He will see this through! "

Napakagat ako ng labi sa sinabi ni Tito Ravan. Tama sya. Malakas ang pangamoy ni Tedros. Binantaan na rin nya ko dati, alam kong mahuhuli at mahuhuli nya ko balang araw.

"I think I need to fall back from being a concubine, they can accuse me of treason! Sinabi din ni Tedros na babaliin nya ang leeg ko pag may nalaman sya!"

"Treason agad?! Pinasok lang kita sa concubine! Hindi mo naman pinagtangkaan ang Royal House! "

"Yeah, but stories can be altered! I need to retreat! Papatayin ako ni Tedros!"

"Hmm." hawak ni Tito Ravan sa baba nya habang nagiisip. "Thats one option, pero maaring matigil ang therapy ng Tatay mo. Nagsisimula ka pa lang Sangre, it means nagsisimula pa lang din sa treatment ang Tatay mo. Ayos lang ba sayo?"

"Syempre hindi! Pero ayoko ding mapugutan ng ulo!"

"Six to eleven months Sangre, basta wag ka aabot ng isang taon, that should be enough for your Dad, tapos ibagsak mo ang sarili mo sa ranggo para matanggal ka sa listahan. Look, this is the best chance weve got, this is hitting two birds with one stone."

"Ha? Anong ibig nyong sabihin?"

"Bukod sa napagamot mo na ang tatay mo, kapag di ka umabot ng isang taon sa serbisyo mo bilang concubine, your betrothal will be cancelled. In short, makakaligtas ka sa maaring pagpapakasal mo kay Tedros!"

"Talaga?!"

"Oo! Can you do that?"

"Yes! Kayang kaya!!"

"Good! But just to be safe, stay away from Tedros, also, do anything para ma-turn off ang His Highness sayo, in that way, di ka na nya masyadong ipapatawag."

8 RULES OF A CONCUBINE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon