Chapter Four

7K 342 216
                                    

"Chapter Four: Bangungot"

[Seulgi's POV]

Nasa isang madilim na emergency staircase ako ngayon sa building na tinatrabahuan ko. Ewan ko kung bakit ako nandito ngayon. Wala naman akong dalang flashlight. Hays. Baka mahulog ako sa hagdanan.

Dahan-dahan akong bumaba para hindi ako madapa at mahulog. Mahirap na. Masira pa beauty ng lola niyo ganern.

"T-Tulong..." 

May narinig akong mahinang boses ng lalaki. Di naman sa kalayuan. Parang bumulong lang sakin kaya lumingon ako sa tabi ko. Biglang bumukas yung ilaw at nakita ko ang hitsura ng lalaki.

"AHH!" napatili ako nang malakas. Nakakatakot yung lalaki. Nakakatakot yung itsura niya. Duguan yung katawan niya at may napakalaking sugat siya sa sikmura niya. Ang putla din ng balat at mukha niya. Kung nabubuhay palang tong nilalang na to, parang nasa 18 o 19 pa yata edad nito. Maitim yung buhok niya at nakasuot siya ng pulang checkered na polo at itim na jeans pero punit punit.

Tumakbo ako papalayo sa lalaki. Bumaba ako papuntang 4th floor at saktong nakasalubong ko ang dalawang lalaking bangkay. Yung isa ay sunog yung buong katawan na lumuwa na yung kanang mata niya tas yung isa naman durog yung katawan at gumagapang siya sa hagdan.

Umakyat na naman ako at nakita ko ulit yung lalaking nakacheckered pero may kasama na siyang dalawang lalaki. Yung isang matangkad ganun din yung itsura niya tulad nung nakacheckered, may sugat din siya sa sikmura niya. Yung isa naman ay katamtaman lang yung tangkad niya at mahaba baba niya. No offense pero totoo at may sugat siya sa ulo at duguan din siya.

"Lord, tulungan niyo po ako." ito na lang talaga ang maiisip ko sa ngayon. Ayoko na. Ayoko na. Gusto ko pang mabuhay. Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko huhu.

Pagkalingon ko, nakita ko ang isang lalaki na bitbit ang kanyang ulo. Mint green ang kulay ng buhok nun at maputla din siya at duguan. Sobrang putla. Pinakaputi sa puti.

"AHH!!!"

---

"SEULGI!" 

Agad kong idinilat yung mga mata ko at bumungad sa harap ko si Joohyun unnie. "Okay ka lang?"

"Ah oo." sagot ko sa kanya. Panaginip lang pala. Hays akala ko totoo.

"Nagsisigaw ka kasi. Binangungot ka yata." alalang sabi niya habang hinahaplos-haplos yung buhok ko.

"Oo nga..." I muttered under my breath. Yeah, a really bad nightmare. I've never dreamed like this before and those guys... I don't even know them.

"Sure ka bang okay ka lang talaga?" tanong pa niya.

"Oo. Don't worry about me, unnie." I answered with a smile on my face.

Bumangon na ako at ginawa na yung morning routine ko together with Joohyun unnie. As usual, papasok ako sa trabaho ko ngayon as a psychiatric nurse.

Sabay na din kaming pumasok sa building.

"Good morning, Ma'am." bati ni manong guard sa amin.

"Good morning, guard." bati namin pabalik sabay bow at ngiti. Teka, ano nga bang good sa morning ko ngayon? Eh halos mamatay na ko dahil lang sa panaginip na yun. Hays. Sorry na kung bitter ako. Traumatized lang.

Naglakad na ko papuntang elevator. Habang umaakyat ito, biglang nagpatay-sindi yung ilaw. The hell is happening right now?

At namatay na nang tuluyan ang ilaw.

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Where stories live. Discover now