Chapter Thirty-Nine

2.7K 139 58
                                    

Annyeong~ Sorry for the very late ud T.T But please keep supporting me 'cause I need inspirations hohoho~ Please enjoy my story <3

~Author Angel-nim

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Chapter Thirty-Nine: The Mysterious Sender"

1 year ago.

[Jungkook's POV]

"Mianhamnida!"

Ilang beses na ako nagbow dito kasi nabasag ko yung bibilhin ko sanang strawberry jam. Sinisigawan na ako ng manager ng convenient store na binilhan ko. Abugh.

"Mianhamnida!" bow ko ulit for the 69th time. "Babayaran ko na lang po."

Nidouble ko pa yung bayad ko para tumikom na bibig nitong unggoy na manager na 'to. Tumigil naman ito sa kakasigaw. Ayan good monkey.

Umalis na ako at inis na tinignan ulit yung convenient store. Tatanggapin lang pala yung pera eh daming satsat. T*ngina. Nasisira kapogian ko dun.

Naglakad na ko pabalik sa bahay ni hyung nang may narinig ako pagsabog na siyang ikinagulat ko. Nakita ko rin yung pagsabog sa di kalayuan. Bigla akong kinabahan at bumalik naman yung masamang kutob ko simula nung nabasag yung jam. Tumakbo ako papunta sa lugar kung saan yung sumabog.

Maraming tao ang dumumog at nagulat ako sa nasaksihan ko.

Ang bahay ni Seokjin hyung yung sumabog...

[Jimin's POV]

Malungkot kaming pauwi ngayon nina Namjoon hyung at Yoongi hyung. Nakarating na kami dito sa Seoul at naghahantay na lang kami ng masasakyang taxi. Marami kasing taong nag-aabang kaya medyo nauunahan kami.

*ring* *ring*

Kinuha ko yung phone ko mula sa bulsa ko kasi may tumatawag at tinignan ko kung sino yung tumawag.

Huh?

"Oh, Jungkook?" taka kong sagot sa tawag niya. Rinig na rinig ko yung hagulgol ni Jungkook sa kabilang linya. Napatingin naman sa akin sina hyung.

"J-Jungkook? B-Bakit?" bigla akong kinutuban at kinakabahan. Ano kayang nangyari dyan sa lugar nila Seokjin hyung?

"[S-Si... Seokjin hyung... Yung bahay niya sumabog.]" sagot niya. Di ko namalayang tumulo na pala yung luha ko sa isang mata ko at nabitawan. Kumunot yung noo ni Namjoon hyung at Yoongi hyung.

"Jimin? Bakit? Anong nangyayari?" tanong ni Yoongi hyung. Malungkot ko siyang tinignan.

"Sumabog yung bahay ni S-Seokjin hyung." sagot ko na ikinagulat nila. Agad na pumara ng taxi si Namjoon hyung at agad naman kaming pumasok at nagmamadaling pumunta roon sa lugar kung saan sila Jungkook.

Sana okay lang si Seokjin hyung. Sana hindi siya nasama doon sa pagsabog. Sana...

Kinuha bigla ni Yoongi hyung ang phone ko. "Dyan ka lang sa lugar mo. Wag kang aalis. Papunta na kami dyan."

Binaba na ni Yoongi hyung ang tawag at ibinigay niya ulit sa akin yung phone.

Ilang minuto ay nakarating na kami sa lugar ni Seokjin hyung. Maraming tao ang nandon. May bumbero, ambulansya, at pulis na andito. Kasalukuyang iniinterview si Jungkook ng mga pulis at nilapitan namin siya ngayon.

"Jungkook." tawag ni Namjoon hyung. Lumingon siya sa amin.

"Anong nangyari?"

"Sabi daw ng pulis at mga bumbero, ang cause daw ng sunog ay sa kalan kasi may leakage dun kaya sumabog." sagot ni Jungkook. Hindi naman maiwasang kabahan dahil hindi pa naman alam kung ligtas ba si Seokjin hyung.

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Where stories live. Discover now